Mark Herras didn't expect to be part of Encantadia requel

IMAGE Rose Garcia

Mark Herras admits he honestly didn't expect to be part of the new Encantadia requel: "Actually, hindi ko in-expect, kasi nga dun sa unang Encantadia, namatay ako, e. So, hindi ko naman sinabi na, 'O namatay ako, baka puwede naman ako sa ibang role.'"

 



Si Mark Herras ang gumanap bilang Anthony eleven years ago sa original version ng Encantadia noong 2005.

Sa requel naman ng Encantadia ngayong 2016 ay ang kapwa StarStruck Male Survivor ni Mark na si Migo Adecer (ng StarStruck Season 6) ang napili para sa naturang papel.

Sina Jennylyn Mercado naman (na Ultimate Female Survivor na counterpart ni Mark sa unang season ng StarStruck) at ang baguhang Kapuso female star na si Mikee Quintos ang gumanap na Lira/Milagros sa original at sa requel, respectively, ng Encantadia.

Kaya hiningan namin ng reaksyon si Mark tungkol dito.

Actually, siyempre, last batch sila ng StarStruck kaya nakasama ko naman sila.

Well, siguro, hindi ko pa alam, wala naman akong comment kung kahit sino namang gumanap dun bilang Anthony, di ba?

Basta I’m just hoping na i-enjoy niya yung character and yung project na binigay sa kanila, kasi siyempre, once in a lifetime experience yun na makasama sila sa Encantadia, di ba?

Sobrang big project. Ito yung pinamalaking project ulit ng GMA after ilang years.”

NOT EXPECTING TO BE PART OF REQUEL. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Angeles City noong July 20 sa taping ng Sa Piling Ni Nanay na drama series ng GMA.

Nag-wish ba siya na makasama rin siya ulit sa requel (retelling/prequel) ng Encantadia?

Actually, hindi ko in-expect, kasi nga dun sa unang Encantadia, namatay ako, e.

So, hindi ko naman sinabi na, 'O namatay ako, baka puwede naman ako sa ibang role.’

Ang dami nila, e. Ang dami nila.

Tsaka before Encantadia, ito na ‘to, e.

Nagsisimula na kami sa Sa Piling Ni Nanay, saka yung Conan [My Beautician].”

ORIGINAL BATCH. Ano naman ang masasabi niya sa opinyon ng iba na hindi napapantayan at pinakasikat pa rin ang batch nila—ang unang batch ng StarStruck.

Well, ang masasabi ko lang naman kasi diyan, kasi lagi namang sinasabi, kasi laging kinu-compare yung ibang batches sa batch namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguro kasi ang masasabi ko lang, ang pinanghahawakan lang naman namin kasi is kasi kami yung original.

At the same time, wala talaga kaming idea dun sa mangyayari after StarStruck.

Nagkataon lang talaga na talagang… lahat naman kasi ng kahit anong show, reality shows, lahat ng nagsimula, talagang sila yung talagang mas may hawak nung… hindi naman yung karapatan...

Kumbaga, sila yung maganda yung nagiging feedback kasi nga umpisa, e.

Kami ang nagsimula ng lahat, kumbaga,” pahayag pa ni Mark.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN