Dionne Monsanto praised by Claudine Barretto: "I was lost for words, tumili ako nang bongga."

IMAGE Noel Orsal

Dionne Monsanto says playing the villainess Lucy in Tubig at Langis has its rewards: "Na-break niya yung walls ko na hindi ko alam ganun na pala kataas. Tinuruan niya akong magmahal kahit di kayang ibalik yung pagmamahal na yun sa akin. Tinuruan niya ako to continuously reinvent mayself."



Isa sa tumatak ng karakter sa ABS-CBN teleserye na Tubig at Langis ay si Lucy, ang kontrabida role na ginagampanan ni Dionne Monsanto.

Epektibong nagagampanan ng aktres ang kanyang role at kahit si Claudine Barretto ay nagpahayag ng paghanga dito sa kanyang Instagram account.

Sobra raw na-touch si Dionne at nagpapasalamat sa naging gesture ni Claudine.

“Grabe, nung nabasa ko yun, may nag-message kasi sa akin, ‘Uy girl, pinuri ka ni Claudine Barretto.’

“Siyempre ako naman, I was lost for words, tumili lang ako nang bongga.

“Para akong elementary schoolgirl na kinilig ng bongga, ganun.

“To get those kinds of comments from the Claudine Barreto.

“She herself is one very amazing actress, sobrang nakakataba ng puso.

“’Di ko alam kung paano ko i-express yung tuwa at gratitude, sobra.”

Para kay Dionne napakarami niyang natutuhan sa kanyang role hindi lang bilang isang artista kungdi bilang isang tao.

Aniya, “Lucy has taught me so much… na-break niya yung walls ko na hindi ko alam ganun na pala kataas.

“Tinuruan niya akong magmahal kahit di kayang ibalik yung pagmamahal na yun sa akin.

“Tinuruan niya ako to continuously reinvent mayself… for example, my hairstyle.

“Ang haba dati ng hair ko hanggang waist ’tapos naging bob, hanggang naging under cut na siya.

“Embrace change kasi that’s one thing na hinding-hindi mo maiiwasan, e.”

Na-interview si Dionne ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang farewell cum thanksgiving presscon ng Tubig at Langis nung Sabado, August 13, sa ABS CBN.


WORTH THE PAIN. Sa kuwento ni Dionne, totohanan at hindi peke ang mga sampalan scenes nila sa Tubig at Langis.

“Yung mga sampalan namin, never naming pineke kahit isang beses.

“Mayroon nga kaming eksena ni Isabelle Daza, next week yata ipapalabas, grabe yung sampalan.

“Pulang, pulang-pula yung pisngi ko, pero siyempre the show must go on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It doesn’t hinder me doing the scenes, but instead it helps me to do the scene better.

“Mas nararamdaman ko yung push, sana mag-register ng tama sa screen.

“I hope ma-appreciate ng mga tao, and I hope all the sampalan is worth the pain.

“Sana magustuhan ng mga viewers.”

Nangyayari na nga na nagiging trending pa sa social media ang mga sampalan scenes sa teleserye.

Dagdag kuwento pa ni Dionne, “Oh my God, ito kailangang abangan ng mga tao ito.

“Yung kinidnap ako ni Sarah, ni Nestor at Jun.

“Tinali ako sa isang pole tapos lahat ng galit ni Clara binuhos niya sa akin.

“Sinampal niya ako as in left and right, ganun yung sampal niya.

“Hindi peke, totoong sampal, di ko na nabilang kung ilan pero sobrang sakit nun.”

HUGS ALL AROUND. Paano ba niya hinahanda ang kanyang sarili sa ganitong eksena?

“I prepare for the sampalan roles, seryoso ito, ha, minamasahe ko yung pisngi ko.

“Nagi-stretching ako ng bongga,hindi lang sa facial muscles kung di sa leeg din.

“Pag sampal ng ganyan, siyempre pag-jerk, di ba?

“Dapat na-warm up mo na ang sarili mo, dapat prepared ka.

“Siguro dahil mataas ang tolerance ko sa pain, ’di ko agad nararamdaman yung sakit… only after.”

Puro may ganun?

“Ay wag nila akong ide-dare, kayang-kaya ko pa.”

May mga kuwento noon na nagkakatampuhan ang ilang mga artista dahil nga nagiging totohanan at nagkakasakitan na sila sa mga eksena.

Siniguro naman ni Dionne na walang problema sa kanila sa mga kasama sa Tubig at Langis dahil nag-uusap sila pagkatapos ng mga eksena.

“Yes, ako naman kasi… it’s either ako ang nananampal or ako yung sasampalin.

“After the scene we hug, we talk, ‘O, okay tayo, ha,’ ganun.”

“After the hugging, mag-moment muna tayo bago tayo bumalik sa realidad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN