Luis Manzano reacts to those saying Robi Domingo is copying his hosting style

by Melba R. Llanera
Aug 17, 2016


Isa sa pinaka-in demand sa mga talents sa ngayon sa ABS-CBN kung ang pagbabasehan ay ang dami ng mga shows ni Luis Manzano. Bilang patunay nga ng tiwala at paniniwala sa kanya ng Kapamilya network ay pinapirma siya muli ng kontrata ng istasyon.

“It’s a three-year contract, extension to ABS-CBN so basically more shows to host. Mas magpapasaya ako sa game, sa reality, sa talent, I’m not sure if it’s a good thing but you still gonna see more of me, a lot of me.”

“I still have my hands full, I'm doing four shows. Kumbaga kasi I have my game show...it’s part of the contract.”

Naiisyu sa ngayon ay ang kapansin-pansin daw na pagkakapareho nila sa style ng pagho-host ni Robi Domingo kung saan ayon sa iba ay mukhang ginagaya daw nito ang istilo niya. Di naman tinago ni Luis na napansin nga niya ito dati kay Robi pero sa ngayon ay nakagawa na rin ito ng sariling istilo sa pagho-host.

“Hindi, may kanya-kanyang style lang naman ‘yan. Si Robi napansin ko before, kahit naman ako marami ang nakakakita but Robi has evolved into a very capable host. I will completely trust him, I wouldn’t want to have him as my co-host, I would rather sit sa audience and watch him host.

“Before may mga idol naman tayo pero once you have to hang out things, magiging kumportable ka, you create your own style. We all have something to offer, ako, Billy Boy, Vhong, Toni, Bianca, Mariel, may kanya-kanya kaming putahe na inihahatid sa kanila.”

“No naman, we don’t need to talk about it at all. I appreciate the guy and he’s very vocal naman in saying that he looks up to me when it comes to hosting, thank you very much. If he learns from me, I learn from him."



Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Luis Manzano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results