Rhian Ramos downplays comparisons to Vilma Santos for Sinungaling Mong Puso portrayals

IMAGE Noel Orsal

Rhian Ramos on being compared to Vilma Santos's portrayal of Clara in the original version of Sinungaling Mong Puso: "Ayokong ma-compare, kasi nakakahiya.  We're really trying to focus on not replaying the same way."



May sariling acting style ang GMA-7 actress na si Rhian Ramos para mas maging epektibo ang kanyang pagganap bilang si Clara, ang abused wife sa Kapuso afternoon teleserye na Sinungaling Mong Puso.

Humuhugot si Rhian mula sa ilang masasakit na naging karanasan niya sa sarili niyang buhay.

Hindi naman itinatago ng aktres ang mga masasakit na pinagdaanan niya pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Kaya madaling niyang mailabas ang anumang sakit na kailangan ng character na ginagampanan niya.

“We all love. We all get heartbroken.

“We all have felt betrayed at some point.

“We all go through these same emotions, iba't ibang intensity lang.

“Yun lang yung kinukuha ko sa sarili ko.

“Although sa akin manggagaling yung emotions at mahahaluan ko rin siya in a sense ng sarili ko.

“Yung basehan ng lahat ng kilos mo, dapat based pa rin sa character.

“Magbabago-bago din 'yan talaga from show to show,” pahayag pa ni Rhian sa kanyang interview sa 24 Oras.

BONDING WITH CO-STARS. Naging malaking tulong din ang magandang chemistry ni Rhian sa kanyang mga co-stars sa teleserye.

Dahil nakakapag-bonding naman daw sila, mas naging open na sila sa bawat isa kaya madali na raw nilang magawa ang anumang mabibigat na eksena.

“Yun ang gusto naming ma-achieve talaga.

“Kaming mga actors, we've talked about it and we were like, 'Sana magawa natin yung ganoon, guys. Maging open tayo sa isa't isa.'

“Mas lumalabas kasi ang energies namin as performers if we are all open to one another.

“Nangyayari naman iyon sa amin and it makes our jobs a lot easier,” ngiti pa niya.

PRESSURE. Dahil sa magandang feedback sa kanyang performance, lalo raw tuloy na nararamdaman ni Rhian ang pressure sa bawat episode na ginagawa nila.

May mga nagku-compare sa kanya sa original portrayal na ginampanan ni Vilma Santos sa 1992 film version nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin ni Rhian na kung puwede lang ay ayaw sana niyang ma-compare siya sa pinakitang husay ng award-winning actress dahil hindi naman daw siya karapat-dapat na ma-compare dito.

“There is some pressure just doing the same role as her.

“Ayokong ma-compare, kasi nakakahiya.

“I'm sure if you walk into her living room, it's covered in awards.

“She's known for being one of the most amazing drama actresses in the country.

“We're really trying to focus on not replaying the same way.

“The advice given to me is still to do it my own way, kasi kung nanggaya ako hindi ko rin naman maa-achieve.

“There's really no one else naman that can fill her shoes din.

“Hopefully, people will find an appreciation for the kind of flavor that I'll be able to put in it.”

VILMA'S REMARK. Nahingan naman ng magandang comment tungkol kay Rhian si Congresswoman Vilma Santos-Recto noong malaman niyang ni-remake ang isa sa paborito niyang pelikula.

“I'm sure Rhian’s good!

“Napapanood ko naman siya. I'm sure bibigyan naman niya ng justice yung role,” simpleng sagot pa ni Congresswoman Vi.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN