John "Sweet" Lapus impressed by Julia Montes's in-depth acting: "Classic si Julia"

by Glenn Regondola
Aug 21, 2016
John "Sweet" Lapus on Doble Kara co-star Julia Montes: "I have to remind myself na twenty-one lang siya, pero yung ganun ka-deep na acting and her preparations, wow talaga! Nakakabilib and it's such an honor na katrabaho mo siya."

Labis-labis ang kasiyahan ni John “Sweet” Lapus na bahagi pa rin siya ng Kapamilya Gold teleserye na Doble Kara na isang taon nang umeere at mukhang matagal pang matapos dahil sa taas ng ratings nito.

Si Sweet ay gumaganap bilang si Ninang Itoy ng bidang kambal na sina Kara at Sarah na ginagampanan naman ni Julia Montes.

Nang dalawin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment press sa taping ng Doble Kara noong nakaraang Huwebes, August 18, kinumusta namin ang tinaguriang "Pambansang Ninang."

Pahayag ni Sweet, "Heto, okay naman, ninang na ninang pa rin.

"And of course, hawak pa rin niya ang mga lihim at sikreto ng pamilyang ito na malapit nang...

"Yun ang dapat nilang abangan, kung paano sasabog ang eksenang yun, big scene yun!"

Paborito nga raw siyang gay support ng lead actresses ng bansa.

Ano ang masasabi niya rito?

Aniya, "E, kasi ang tagal ko nang naggaganyan.

"So ako naman, super thankful.

"When I was doing the same thing sa kabila [GMA-7], yun ang sabi nila.

"Ako naman, its my honor to be a support to these leads na magaan din namang katrabaho.

"It's my pleasure to be a support and ma-appreciate ng audience yung character ko, and what my character is doing dito sa mga bida ng soap opera."

EVOLVING ROLES. Nakikita rin daw na may mga pagbabago na rin sa mga ginagampanang papel ng mga katulad nilang supporting actors.

Ayon sa actor-comedian, "Oo, sabi nga namin ni Mylene [Dizon], mga lola na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First time naming mag-play ng lola role sa 7-year-old kids, and yun, nag-i-evolve.

"Siguro, kapag nagma-mature ka na as actor, and nagkakaedad ka na rin as a person, dapat lang naman na na-evolve ang role mo rin naman.

"Siyempre, how I wish na... di ba dati, joke-joke ko na kapag lumaki na nung child stars palang sina Julia [Montes] at Kathryn [Bernardo], sabi ko, paglaki ng mga 'yan, ako pa rin ang sidekick.

"Si Shaina [Magdayao] pa, hindi pala puwede," sabay tawa niya.

"Kahit naman nami-maintain ko ang beauty ko, pero 23 years in the business, marami naman ang nakakaalam na medyo may edad na tayo, so kailangan talaga mag-evolve.

"Alam naman nila kung alin ang mga hindi na puwedeng gawin ni John Lapus at yung mga puwede na."

Dugtong pa niya, "Kinabahan na ako, lalo na yung last ko sa Dreamscape na tatay ako ni Julia Barretto bilang si MiraBella noon.

"Kami noon ni Pokwang, nag-uusap-usap nun na, 'Mars, tatay na 'to, alam mo na ang kasunod.'

"Kumbaga, nagdyu-joke-joke kami ni Pokwang kung sino ang unang magiging lola.

“Ako ang nanalo, ako ang nanalo at si Mylene.

"Pero, siguro masuwerte rin ako, na kahit gay actor ako, alam ng Dreamscape na ilalagay ako diyan hindi lamang to elicit laughter, and so far, ako naman ay hindi."

Sa pelikulang Working Beks na ginagawa niya ngayon para sa Viva Films, ipinagmamalaki rin ni Sweet ang papel niya rito bilang isang transgender naman.

IMPRESSED BY JULIA'S ACTING. Sa puntong ito ay kinumusta naman namin si Julia bilang aktres na gumanaganap ng dalawang papel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang masasabi niya?

Aniya, "Nakita naman natin na from teenager, naging mother si Julia, both as Kara and Sarah, na napakahusay ng kanyang transition.

"Sinabi ko na ito, lagi ko namang sinasabi sa aking social media accounts: classic si Julia.

"Wow, kami dito sa set, kapag ka-eksena namin si Julia, napakahusay nito.

"Sabi ko nga, na last actress who played twins na kitang-kita mo ang difference nung kambal, na feeling mo ay dalawang tao na talaga sila, ay si Eugene Domingo in Kimmy Dora.

"That was the last time, until of course, when Julia Montes came dito sa Doble Kara.

"I have to remind myself na twenty-one lang siya, pero yung ganun ka-deep na acting and her preparations, wow talaga!

"Nakakabilib and it's such an honor na katrabaho mo siya."

Read Next
Read More Stories About
John Lapus
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John "Sweet" Lapus on Doble Kara co-star Julia Montes: "I have to remind myself na twenty-one lang siya, pero yung ganun ka-deep na acting and her preparations, wow talaga! Nakakabilib and it's such an honor na katrabaho mo siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results