Glaiza de Castro excited about Alden Richards's entry to Encantadia

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro in comparison between original and new version of Encantadia: "Naihanda ko na ang sarili ko na maikukumpara at maikukumpara, may sasabihin at sasabihin… As long as hindi nawawala yung drive ko, hindi rin nababago ang mindset ko. Na dapat palagi akong may natutunan sa bawat comments or bawat pangyayari sa akin. Dapat tine-take ko yun positively, ganun lang dapat."


Nagpapasalamat si Glaiza de castro na nakasama siya sa Encantadia, na kasalukuyang ipinapalabas sa GMA Network.

Sabi niya, “Masaya ako sa pagiging Pirena ko, isa sa mga challenging roles na naman ‘to.

“Ibang atake naman, ibang environment, ibang makakatrabaho.

“Grateful ako dahil sa dami rin naman ng mga artista, di ba, puwede namang iba.

“Nagpapasalamat ako na sa tinagal-tagal ko na rin naman sa industriyang ito, nandito pa rin ako.

“At kahit papaano, nabibigyan pa rin naman ng magagandang proyekto.”

Marami pa raw mangyayari at dapat abangan sa Encantandia.

“Ngayon kasi, pa-build-up pa lang at na-establish pa lang namin ang original story.

“As we’ve told you guys before, this is prequel, so this is retelling.

“Nandun na tayo sa panibagong angles ng story, may mga bagong papasok na characters.

“Papasok si Alden [Richards], pumasok na si Miguel Tanfelix, si Conan Stevens.

“So, marami pang mangyayari, marami pang mga characters na papasok.”

Kahit na special guest lang si Alden bilang si Lakan sa grupo ng mga Mulawin, masaya raw si Glaiza na magiging bahagi ito ng Encantadia.

Aniya, “I’ve always believed in him more than the AlDub guy.

“And I think, excited na rin siya dahil matagal na rin siyang hindi sumasabak sa mga ganitong genre.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa The PEP List Year Awards Night, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel, nitong Linggo, August 21.

Si Glaiza ang nanalong Teleserye Actress of the Year para sa kanyang pagganap sa The Rich Man's Daughter.

COMPARISON. Alam din ni Glaiza na kahit may isang buwan na silang umeere, hindi pa rin nawawala ang comparison ng Encantadia ngayon sa orihinal na bersiyon nito.

“Oo, e, pero ako naman, naihanda ko na ang sarili ko na maikukumpara at maikukumpara, may sasabihin at sasabihin…

“As long as hindi nawawala yung drive ko, hindi rin nababago ang mindset ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na dapat palagi akong may natutunan sa bawat comments or bawat pangyayari sa akin.

“Dapat tine-take ko yun positively, ganun lang dapat,” saad niya.

Sa isang banda, kontrabida sa apat na Sang’gre ang karakter ni Glaiza bilang si Pirena.

Pero masaya raw siyang naipakita sa eksena ang emosyon niya bilang isang anak ding namatayan ng ina.

Ito ay nang mamatay ang Ynang Reyna na si Marian Rivera

Sabi nga ni Glaiza, “Yun din naman ang gusto ko, na hindi naman siya basta nag-rebelde.

“Kasi binabase ko rin naman ang lahat ng characters ko sa totoong tao, yung mga real emotions nila.

“I think she’s misguided… pero ang importante dun, meron siyang redemption.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN