Alden Richards starts taping as a Mulawin for Encantadia 2016

IMAGE Noel Orsal (right frame)



Nagsimula nang mag-taping si Alden Richards para sa GMA-7 telefantasya na Encantadia kunsaan gaganap siya bilang ang Mulawin na si Lakan.

Excited si Alden na mag-taping ulit dahil higit na dalawang taon na siyang hindi nakakagawa ng teleserye.

Ang huling teleserye ng Pambansang Bae ay ang Ilustrado noong 2014 kunsaan ginampanan niya ang papel bilang si Dr. Jose Rizal.

Sa set ng Encantadia ay natuwa si Alden dahil nakita na niya ang costume na gagamitin niya bilang si Lakan.

Inamin ng Eat Bulaga host sa interview nito sa 24 Oras na naging paborito niyang panoorin ang Encantadia noong unang umere ang original series na ito noong 2005.

“Dream ko po kasing mapasama sa biggest telefantasya of the year.

“And way back when it aired in 2005, kasama ko parati ang family ko watching Encantadia at ang Mulawin na rin,” pag-alala pa niya.

Bukod kay Alden ay mapapanood na rin sa Encantadia sina Andre Paras at ang Game Of Thrones actor na si Conan Stevens.

Ang mga fans ni Alden ang pinaka-excited na mapanood ang kanilang idol sa naturang telefantasya.

Ngayon pa lang ay may countdown na raw sila sa paglipad ni Alden bilang si Lakan.

“Very excited na po sila kasi for a change, subukan naman natin mag-fantasy. Tingnan natin kung paano ano maipapakita natin,” diin pa ni Alden.

Naibalita na rin ni Alden sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang paglabas nito sa Encantadia.

Pumunta ng U.S. si Maine para manood ng concerts ng mga paborito niyang musicians, ang British singer na si Adele at and bandang Coldplay.

Kamakailan ay nag-post si Maine ng kanyang masayang experience sa pagpanood ng dalawang concerts sa Los Angeles.

Sobra na nga raw nami-miss ni Alden ang kanyang AlDub love team partner at sa darating na weekend pa raw ito makakauwi mula sa bakasyon nito.

“Opo naman. Kasi nakasanayan ko na kasing everyday siyang nakakausap—everyday ko siyang nakakasama,” pagtapos pa ni Alden.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN