James Reid and Nadine Lustre enjoyed breathtaking views in Athens, Mykonos and Santorini

When asked to choose the most special place for him, James Reid picked, "San Francisco, that's where all started, the time that I fell in love with her [Nadine Lustre] so it has more meaning to me."




Kahapon, August 22, ay bumalik ng Pilipinas ang magkasintahang James Reid at Nadine Lustre pagkatapos ng ilang araw na pagte-taping sa Greece para sa upcoming ABS-CBN teleserye na Till I Met You.

May bahagi ng nasabing serye ang kinunan pa sa naturang bansa. Bukod sa tiyak na nakakakilig na istorya ng ihahandog ng serye ay inaabangan din ng marami ang mga naggagandahan at romantikong views dito.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News sa dalawa sa NAIA Terminal 1, masayang nagkuwento ang dalawa sa naging karanasan nila sa Greece at sa excitement nila sa nalalapit na pagsisimula ng Till I Met You sa August 29.

James: "We’re very happy. Greece was breathtaking."

Nadine: "Views are really nice, everything, the food especially, that’s what we enjoy the most."

Agad naming tinanong sila James at Nadine kung ano-ano ba ang mga dapat na abangan ng publiko sa mga nakunan nila sa Greece.

James: "Basically yung meeting nila, the way the relationship unfolds. It’s very interesting.”

Nadine: “We were shooting in Athens, Mykonos, Santorini. It’s all really nice, lahat ng mga magagandang views we were able to shoot doon.

Kinumpirma din ng aktres na matatalakay din sa pinagbibidahang serye ang tungkol sa LGBT community pero di na nagbigay ng detalye pa si Nadine tungkol dito.

Nadine: "Mayroon pero di na namin muna ire-reveal. Kailangang abangan ninyo po. Very different. I think it’s a great new teleserye kasi nga papunta siya dun sa topic na yun. Medyo bihira, wala masyado, mayroon na pero di pa masyadong napapalabas yung mga ganung klaseng stories.”

Balita rin na nasabay sa taping ng Till I Met You sa Greece ang monthsary nina James at Nadine.

Paano nag-celebrate ang dalawa ng espesyal na araw na ito para sa kanila?

James: "We were working, not really celebrating. I mean the whole trip was a celebration. It’s a half check because we want to go back and enjoy. Yung walang trabaho.”

Nadine: "Yes, we we’re working kasi the whole time. The whole trip naman kasi is parang celebration na rin kasi nga Greece, it’s something different saka dream destination. For me yung pinakamaganda was yung view talaga. In Santorini, sa Oia yung sunset, really, really beautiful. On our last day papunta na sa airport, first time kong makita na yung sun na pula.”

Nakarating ang magkasintahan sa San Francsico at Lake Tahoe bukod sa Greece. Sa mga lugar na napuntahan, ano sa mga ito ang masasabi nilang pinaka-memorable at espesyal para sa kanila?

Nadine: Ang hirap, e, kasi yung sa second time namin sa san Francisco and first sa Lake Tahoe, it was great already pero kakaiba rin kasi ito. So ang hirap pumili, ako di makakapili.”

James: “San Francisco, that’s where it all started, the time that I fell in love with her so it has more meaning to me.”

Playing the role of Basti in Till I Met You, inamin naman ng aktor na may pagkakapareho ang karakter na ginagampanan niya sa kung sino siya sa totoong buhay.

James: “We got close as good friends then Basti, see something differently. Not the ordinary type of girl, she’s very different, that’s all I can say.

“Basically it’s true to life. I mean, it’s very unexpected, we becoming a couple. She’s different to any other girl that I met before, so I guess that’s what I’m really attracted to.”

Naging matagumpay at kinagat ng publiko ang unang teleserye nila James at Nadine sa ABS-CBN, ang On The Wings of Love.

May pressure daw kayang nararamdaman ang dalawa sa nalalapit na airing ng Till I Met You?

Nadine: "Definitely, palagi namang may pressure. We wanna do good and palagi naman naming gustong mapasaya ang mga tao. Ang OTWOL nga is really, really successful so may pressure.

James: "Actually I’m very confident kasi mas maganda yung characters namin dito. I really love the way they intearact, the three of them. Everthing, the whole set up, it’s perfect.”

Usap-usapan sa ngayon ang kaseksihan ni James sa commercial ng isang brand ng canned tuna. Proud na proud naman ang aktres sa disiplina ng boyfriend para lang makamit ang ganitong katawan.

Nadine: “Of course, I am proud. Pinaghirapan niya yun talaga. I mean from OTWOL kasi working almost everyday, no time to gym, ang hirap ibalik, e. Talagang mahirap ibalik so everyday nasa gym siya, working out. Of course, I am proud of him.”

James: “She’s working out with me.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN