John Lloyd Cruz is Armando in "I Love Betty La Fea"


"Di ba, sinasabi nila sa mga artista, ‘O, huwag kamagbabago.' It's inevitable. Kailangan namin magbago kasi tao kami. Lagi kolang tsine-check ang sarili ko pag-uwi ko, ‘pag may moments ako alone. ‘Sino kaba?' I'm just me. Medyo mahirap i-describe kung sino ako. Ang hirap, hindiko kayang sabihin sa inyo," replies John Lloyd Cruz when asked how his popularity changed him.



Na-reveal na finally ang aktor na gaganap bilang Armando sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea sa The Buzz kahapon, August 17.Ito ay walang iba kundi si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na pormal na ipinakilala si Bea Alonzo nagaganap bilang Betty La Fea noong May 8 this year. Sumunod na ipinakilala angmagiging best friend ni Betty na si Nicholas na gagampanan ni Vhong Navarro. Athindi nagtagal ay ibinunyag na rin ang babaeng makakatapat ni Bea bilangDaniella na si Ruffa Gutierrez.

Sa dinami-rami ng mga kinunsidera at mahabang proseso,isiniwalat ni John Lloyd ang kanyang damdamin sa pagkakapili sakanya bilang Armando.

"Nakakatakot, e. Na para sa isang project na ganito kalaki,nangangapa pa rin tayo. But I'm more than happy to be working again with Bea," saadni John Lloyd.

Tinanong ng co-host ng The Buzz na si Boy Abunda kungsino ba si Armando Solis sa buhay ni Betty La Fea.

"Si Armando ay mapaglarong nilalang. Lagi siyang naghahanapng adventure sa buhay niya," sagot ng young actor.

Malayo raw ito sa tunay na personalidad ni John Lloyd.

"Hindi yata, hindi yata ako adventurous," ngiti niya. "SiArmando kasi adventurous pagdating sa sports, somehow sa mga babae; ako hindi."

Inaabangan pa rin daw at pinananabikan ng mga manonood angbalik-tambalan nila ni Bea. Muli ay sinabi ni John Lloyd na hindi sila nagkaligawanni Bea sa tagal ng pagsasama nila bilang magkapareha.

"It just didn't happen," sabi niya. "Kasi ayoko silang[fans] lokohin, magmula nang magsimula ang team-up namin ni Bea, walang pretentions.May girlfriend ako nang magsimula kami. Lahat ‘yan, naka-open sa publiko. Alamniya. So, yung tsansa ba, parang nalimitahan siguro.

"Hindi namin niloko ang audience namin. Hindi naminsila pinaniwala sa isang bagay na hindi nila dapat paniwalaan, kaya sigurotumagal ng ganito katagal. Hindi namin sila niloloko, pero alam naminkung paano sila pasayahin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga panahon daw nung mga nakaraang taon napinagdududahan ang kakayahan ni John Lloyd ‘pag hindi niya kasama si Bea.

"Siyempre six years yata kami magkasama ni Bea kami at kamilang. Dito sa pelikulang A Very Special Love [his movie with Sarah Geronimo],aaminin ko talagang sumugal ako. Kailangan ko itong pagkakataon na ito hindilang para patunayan sa lahat ng tao na I can stand alone. Hindi yun angmotivation ko. Simple lang, gusto ko lang malaman."

Nagsalita rin si John Lloyd kung paano siya binago ngpagiging tanyag.

"Di ba, sinasabi nila sa mga artista, ‘O, huwag kamagbabago.' It's inevitable. Kailangan namin magbago kasi tao kami. Lagi kolang tsine-check ang sarili ko pag-uwi ko, ‘pag may moments ako alone. ‘Sino kaba?' I'm just me. Medyo mahirap i-describe kung sino ako. Ang hirap, hindiko kayang sabihin sa inyo," lahad ng young actor.

Inilirawan din ni John Lloyd kay Boy ang konsepto niya ngkaligayahan at pag-ibig.

"Describe ko, ha," umpisa niya. "Ganito kadetalyado. Sunday,lunch. Kainan sa dahon with my whole family. Kuwentuhan, tawanan, catching up."

Pagdating sa pag-ibig, mas maingat na raw si John Lloyd.

"Siguro ngayon mas may pag-iingat. Hindi lang yunginiingatan mo yung sarili mo na huwag sumobra para rin ingatan yung taong yun."

Nagpasalamat din si John Lloyd sa mga taong nagtiwala,sumuporta, at nagmamahal sa kanya sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Sa ABS-CBN, si Reggie Pecayo who brought me toABS-CBN para mag-talent. Walang hanggan ang pasasalamat ko sa inyong lahat.Alam ninyo kung sinu-sino kayo."

At bilang si Armano, nagpahayag din ng kanyang damdamin siJohn Lloyd.

"Dyusko! Hindi ako ito!" natatawang sabi ni John Lloyd. "Orsiguro may ibang babaeng magsasabing ako nga ito. Pero abangan ninyo ho,malapit n'yo na akong mapanood ulit sa primetime kasama ng aking partner na siBea."

Noong August 8, nag-pictorial na sina John Lloyd at Beabilang Armando at Betty para sa I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN