Alden Richards excited for teleserye comeback: "Looking forward po ako sa mga plano sa amin ni Maine."

IMAGE From Facebook page of Eat Bulaga

Alden Richards: "May isang taon na rin akong nabakante sa serye. Sobrang blessed naman po rin noong mapahinga sa serye. Pero, siyempre, excited na rin po akong makabalik soon."



Nagsimula nang mag-taping si Alden Richards para sa GMA-7 epic telefantasya na Encantadia.

Si Alden ang gaganap na Lakan mula sa mga Mulawin bilang special guest ng naturang primetime series ng GMA-7.

Kung ang ibang mga bata ngayon ay hindi naabutan ang Mulawin at Encantadia noon, iba si Alden na lahat daw ng mga teleseryeng yun ng Kapuso ay napanood at natapos niya noong bata pa siya.

Aniya, “Yung dalawang yun po ang tinutukan kong shows.”

Sa puntong ito ay naging sentimental ang aktor sa pagalala sa kanyang yumaong ina.

“Excited ako kasi kinalakihan ko yung telefantasya, ‘yan po ang show na pinapanood namin kasama ang nanay ko.

“Maka-GMA po ang nanay ko at mahilig siya sa soap opera talaga.

“Sabi ko nun, dream ko po na sana makasali sa soap, sa teleseryeng yun… parang nabigyan ako ng chance.

“Nung sinabi ni Direk Mark Reyes na I’ll be guesting, sobrang excited po ako and I can’t wait to start.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa ginanap na Pep List Year 3 noong August 21 sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas City, kunsaan sila ni Maine Mendoza ang mga big winners.


BACK TO SOAP. Aminado si Alden na kung meron man siyang isang nami-miss sa ngayon, ito ay ang makagawa ng soap opera.

Sabi nga niya, “Namimiss ko na rin po ang mag-soap.

“Kasi doon din naman po talaga ako nagsimula at may isang taon na rin akong nabakante sa serye.

“Sobrang blessed naman po rin noong mapahinga sa serye.

“Pero, siyempre, excited na rin po akong makabalik soon.”

Sa ngayon, naghihintay lang din daw si Alden kung ano ang balita o mangyayari sa nababalitang primetime series na pagsasamahan nila ni Maine.

Hindi man siya nakakagawa ng teleserye sa loob ng mahigit isang taon, nakagawa naman siya ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang pelikula nila ni Maine na Imagine You and Me na naging maganda ang resulta sa box-office.

Ayon kay Alden, “Kumbaga, ang Imagine You and Me, kinasahan po ako ulit pagdating sa acting sa tulong ni Direk Mike [Tuviera].

“Looking forward po ako sa mga plano sa amin ni Maine.”

Samantala, orihinal ang karakter na gagampanan ni Alden sa Encantadia bilang si Lakan na isang Mulawin.

Hindi siya si Aguiluz, isang Mulawin rin na unang ginampanan ni Richard Gutierrez.

Ani Alden, “Bagong character po siya, kumbaga, hindi siya remake.

“Ang Encantadia po is remake, so may mga remake na roles at mga bagong artista na papasok.

“Pero ito po, bago siya, inincorporate siya sa Encantadia.”

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Alden kung gaano siya katagal mapapanood bilang guest sa Encantadia.

Pero talagang pinaghahandaan pa rin daw ito ni Alden lalo pa nga’t may costume siya rito bilang isang Mulawin.

Ayon sa kanya, “Siyempre po, diet din. Yung costume, bawal ang mataba.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN