Lovi Poe on doing more daring roles: "Nagkataon lang, it's not because of the breakup."

IMAGE Noel Orsal

For Lovi Poe, her most challenging roles are not the feisy or melancholic characters she usually portrays in teleserye and movies, but those that revolve around love. "Mas sanay kasi ako sa emotions na… galit, sadness, but when it comes to love, it's difficult for me." She also admits: "I'm not very expressive, kahit sa real life."



Madalas na challenging ang ibinibigay ng GMA-7 kay Lovi Poe sa kanyang mga teleserye karakter.

Si Lovi ang gaganap bilang Joanna Mercado, ang asawa ni Tom Rodriguez sa bagong Kapuso primetime drama series na Someone To Watch Over Me. Sa teleserye na directed ni Maryo J. delos Reyes, may early onset ng Alzheimer’s disease ang karakter ni Tom na si TJ Chavez.

Sa trailer, halimbawa, ay makikita na nagpapaubaya si Lovi sa ex-girlfriend ni Tom na ginagampanan naman ni Max Collins.

Pero pahayag ni Lovi, “Of course, sa lahat ng TV series na nagawa ko, very dramatic.

“May mga sampalan, may mga galitan.

“This one revolves around love talaga.

“Mas sanay kasi ako sa emotion na… galit, sadness, but when it comes to love, it’s difficult for me.

“I’m not very expressive, kahit sa real life.

“So doing it with Tom, naninibago ako to look at someone with so much love.

“Of course, I’ve fallen in love already, pero I’m not very expressive.”

Kapansin-pansin naman na tila mas lalong naging sexy, daring at bolder si Lovi sa mga karakter na ginagampanan niya sa pelikula at telebisyon ngayong break na sila ni Rocco Nacino.

“Really? Well, I like it, I enjoy it,” pag-amin niya, “It’s nice to portray a character that is a total opposite of me.”

Paliwanag pa ni Lovi, “Siguro nagkataon lang na bumalik ako sa mga ganitong klase ng roles.

“Nagkataon lang, it’s not because of the breakup.”


KIND OF SHY. Base pa lang sa mga still photos ng upcoming movie ni Lovi na The Escort ng Regal Films, makikita kung gaano ka-intense ang mga love scenes nila ni Derek Ramsay.

(Read: Lovi Poe and Derek Ramsay shoot steamy bed scenes for The Escort)

Kitang-kita rin na mas lalo pang naging daring ang aktres sa ilang intimate scenes naman nila ni Tom sa Someone To Watch Over Me.

Sabi ni Lovi, “Of course, of course, na-miss ko rin ang ganitong drama, at least nagagawa ko siya na iba-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangit naman kung paulit-ulit na sexy, mas maganda na iba-iba naman.”

Nausap namin si Lovi sa presscon para sa Someone To Watch Over Me na ginanap sa Le Reve sa Quezon City noong August 22.

Lahad pa niya, “Ito lang ang sasabihin ko, I may dress like this.

“Ganito ako, nagpu-pose ako sa mga magazines, pero mahiyain talaga ko, total opposites talaga.”

Napakataas ang slit ng long dress ni Lovi noong presscon, mahiyain pa siya nang lagay na yun?

“Yeah, I’m shy, I’m really shy, itaas pa natin para malaman nilang I’m really shy,” natawang biro rin niya.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN