Marian Rivera explains why she does not want Dingdong Dantes to work on Sundays

IMAGE Noel Orsal



Masaya si Marian Rivera dahil ang kanilang Sunday comedy show na Sunday PinaSaya ay isang taon na at masasabing tinanggap talaga ng mga manonood ang bagong format ng Sunday noontime show nila.

Para kay Marian, ang nakikita raw niyang sikreto nila ay yung relasyon nilang lahat kahit sa likod ng camera.

“Yung sa likod ng camera, ang importante kasi at palaging sinasabi sa amin, yung pagmamahal namin sa isa’t-isa. Yung bawat pagiging concern namin sa mga kasama namin dito sa trabaho.

“Siguro, malaking factor na may natutunan kami, nagkakaisa kami at nagmamahalan kami. Sabi nga ni Tatay [Antonio Tuviera], kapag ginawa mo ng buong puso ang proyektong ito, walang hindi magagawa kundi hitik talaga.
“Siguro, yun ang pinaka-sikreto ng team namin, mahal namin ang isa’t-isa at sinusuportahan namin ang kakayahan ng bawat isa,” lahad niya.

Sa recently concluded PEP List Year 3, ang Sunday Pinasaya ang kinilala bilang Comedy Show of the Year.

Comedy Show of the Year: Sunday PINASaya #peplistyear3

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on




Kinamusta rin kay Marian kung babalik pa rin ba at mapapanood muli ang segment niyang "Judge MD."

“Babalik,” natawa niyang sabi.

“Siyempre, yung mga writers ang nakakaalam. Babalik? O, babalik,” paninigurado pa niya.

Para naman daw sa kanya, halos lahat naman ng segments niya sa Sunday PinaSaya ay nakakatawa.

“Siyempre ako, lahat naman nakakatawa. Pero sabi nga, love your own, siguro ako yung Kantaririt. Kasi, lahat ng nagge-guest dun, nag-eenjoy at lumalabas ang totoong sila.”

Sa ikalawang taon ng Sunday PinaSaya, may mga bago na silang makakasama na magiging regular na rin tulad nina Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, Atak, Lovely Abella, Andre Paras, Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Ano ang masasabi niya sa mga bago nilang kasama?

“Ang sabi nga, mas marami, mas masaya. At naniniwala ako na pumasok sila rito, mas napaganda pa at mas nagbigay saya pa lalo sa mga nanonood ng Sunday PinaSaya.”

Sa September 4 at 11 ang dalawang linggong unang taong anibersaryo ng Sunday PinaSaya at ayon mismo kay Marian, nag-meeting na sila at marami talaga silang inihahandang surpresa.

“Nag-meeting na kami at marami talagang inihahanda. Marami rin guests. Nandiyan ang Aegis at marami pa silang iinvite talaga.

“Sabi nga ni Kuya Wally [Bayola], iikutin namin silang lahat.”

Dahil busy ang kanyang mister na si Dingdong Dantes, hindi raw niya masasabi kung isa rin ba ito sa magiging guest nila.

“Napaka-busy naman kasi ni Dong. Gumagawa na siya ng Unmarried Wife, meron pa siyang soap, ‘di ba? Halos everyday na siyang nagta-trabaho.

“Huwag naman yung Sunday, kay Zia yun, e.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN