What can Jerome Ponce say about ex-gf Elisse Joson after getting closure on PBB?

IMAGE Noel Orsal

Jerome Ponce will portray a gay character in an upcoming episode of Maalaala Mo Kaya.



Sa unang pagkakataon ay gaganap bilang isang beki ang ABS-CBN actor na si Jerome Ponce.

Ito ay para sa isang episode na ginagawa niya para sa Maalala Mo Kaya, kung saan katrabaho rin niya sa unang pagkakataon ang veteran actor na si Phillip Salvador.

Ano ang pakiramdam niya sa una niyang sabak sa isang gay role?

Pahayag ni Jerome, "Siyempre, una ay matigas para sa akin.

"Marami pang bagay, galaw, at salita na hindi pa pumapasok sa katawan ko pero, siyempre, inaalam ko pa lalo.

"Sinasanay ko ang katawan ko sa mannerisms ng ating mga ka-beks, mga manay, at saka..."

Ano ang mga preparasyon na kanyang ginawa para mas maging makatotohanan ang kanyang portrayal?

Ani Jerome, "Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, at maging sa totoong-buhay ay may mga kaibigan din ako na ganun.

"Yung iba, malalapit sa akin.

"Hayun, may nakukuha na akong mga tips sa mga nakasanayan ko sa kanila.

"Kapag mga kausap ko sila, nag-o-observe na ako, 'tapos kinukuha ko dun, at pinagsasabay-sabay ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor sa PEP List Year 3 Awards Night na ginanap sa Crowne Plaza noong August 21.

Ano naman ang reaction niya na sa unang pagkakataon din ay makakatrabaho ang drama actor na si Phillip?

Saad ng 21-year-old actor, "Actually, may istorya diyan, e.

"First time kong siyang na-meet, at first time ko rin siyang nasabihan...I mean, ninong [sa binyag] ko talaga siya, and first time kaming nag-meet.

"Hayun, nakakatuwa, kinumusta niya si Papa.

"Tuwang-tuwa po ako kahit hindi pa kami gumagawa ng mabibigat na eksena.

"Pero, yung tayo pa lang niya, alam mong meron na talagang may pinanggalingan nang mahaba dito sa ating industriya."

Dahil nga raw oportunidad na ito, mas lalo siyang nahahasa para maging isang seryosong aktor.

Ani ni Jerome, "Hayun, mas lalo kong inu-open ang sarili ko sa mga pinapagawa sa akin ng mga director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko na darating sa point na papagalitan ako, sisitain ako, masisigawan ako, pero I know it's part of the challenge.

"I'm willing to take it, and willing to risk kung anuman ang mararamdaman kong emosyon."

Sa puntong ito ay kinumusta namin siya pagkatapos ng kanyang guest appearance sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7?

Pinag-usapan dito ang closure sa relasyon nila ng housemate na si Elisse Joson.

Halatang umiiwas siya na pag-usapan ito, "Hayun, okay na siya dun.

"Okay.

"Actually, okay na ako, e.

"Sa ngayon, trabaho is trabaho, and I respect it.

"Sa dinami-dami ng mga Pilipino na naghahangad ng trabaho, kami nga heto nga, relax siya, emotionally na lang ang hindi.

"Dun na lang ako, yung gagawin ko ang trabaho ko.

"Yun din ang nagpapatakbo sa mundo."

Mas gusto na niya ba ang ganito?

Ang wala siyang love life?

Sabi niya, "Hindi ko alam, pero masaya ako, ha?

"Ito na rin yung chance na gustong magpasalamat dahil kasama ko si Loisa [Andalio] sa Wansapanataym.

"Sobrang gaan niyang katrabaho at masarap kasama sa set."

Hindi na rin siya nagsalita tungkol kay Loisa na dati na niyang inamin na crush din niya noon pa.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN