Maxene Magalona happy to see brother Elmo bloom and shine in ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal



Bilang ang kontrabida na si Alex sa Doble Kara, para kay Maxene Magalona ay napaka-challenging para sa kanya ang role na ginagampanan.

Nagpahayag din ng tuwa ang Kapamilya actress dahil balita na aabutin hanggang 2017 ang Doble Kara dahil sa impressive nitong TV ratings.

“I'm very, very happy kasi si Alex hindi siya yung typical kontrabida. She’s scheming, manipulative, very complex yung character, it’s very challenging.

“Grabe what a blessing, nakakatuwa na na-extend ng na-extend. It means people like our story, kasi yun naman yun, e, ang story ang inaabangan. Magagaling talaga ang mga scriptwriters namin, sobrang hanga ako sa kanila. Ang script dumarating ‘yan the nextweek, kasi ang bilis. Very, very admirable ‘yung ginagawa nila. Hayun happy, abangan nila, ang dami pang mangyayari kung hanggang 2017 pa kami.”

Papuri din ang binigay ni Maxene sa bida ng Doble Kara na si Julia Montes kung saan ayon sa aktres ay marami siyang natutuhan kay Julia dahil sa nakikita niyang husay at professionalism nito.

“I feel so blessed to be working with her. I’ve already been in the industry since I was 15 and now at my age to get to work with her, I am learning so much. Grabe, sobrang galing niya, if you can see when she does as Cara at Sara.”

Naunang lumipat sa ABS-CBN si Maxene kaysa sa kapatid niya na si Elmo Magalona.

Masaya ang aktres sa magagandang nangyayari sa career nilang magkapatid.

“I am very, very happy for Elmo to see him bloom and shine in this industry that he really loves and enjoys the most.

“Siyempre kapatid ko ‘yan. Para sa amin fame is not what really what we’re after, e. If we are happy doing what we love, then that’s the most important thing. I just wanna see my brothers, my sisters happy at si Elmo nakikita ko na masaya siya sa ginagawa niya so happy ako for him.”

Aminado rin siya na isa siyang solid Elnella o Elmo Magalona-Janella Salvador fan.

“I love Elnella because you know they are a musical loveteam. Ang cute nilang tingnan, their chemistry is undeniable and nakakatuwa. Janella is really, really sweet, so nice at ang ganda-ganda niyang bata, ang galing kumanta, very talented.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN