Andre Paras recalls time when dad Benjie portrayed Wahid in Encantadia

Andre (in photo) will reprise the role of Wahid originally portrayed by dad Benjie Paras in original Encantadia.



Nine years old pa lamang si Andre Paras nang gampanan ng kanyang tatay na si Benjie Paras ang karakter ni Wahid sa original version ng Encantadia noong 2005.

Eleven years later, si Andre na ang gumaganap na Wahid sa requel ng Encantadia kaya nostalgic ang naging pakiramdam niya sa unang araw ng taping niya para sa primetime telefantasya ng GMA-7.

“Dati pinapanood ko ang Encantadia. Dumadalaw pa ako noon sa set, I think sa Pasig, malaking warehouse.

“Yung mga ship, sobrang nang makita ko yung props ni Direk Mark, nostalgic kasi parang pareho lang noon.

“Naaalaala ko pa, iniuuwi ni Dad yung mga props like yung mga sword. Ngayon nahahawakan ko na yung sword, nabibitbit ko na, sobrang saya.

“Kung ano ang role ko, role din dati ni Dad,” ang pagbabalik-tanaw ni Andre noong panahon na isinasama siya ng kanyang ama sa taping ng Encantadia.

Ang Australian actor na si Conan Stevens na gumanap na The Mountain sa Game of Thrones ang kasama ni Andre sa mga eksena nito sa Encantadia.

Ayon kay Andre, starstruck siya sa kanyang foreign co-star.

“Lalabas na si Mr. Conan Stevens sa Encantadia. Kasama ko siya sa mga eksena. Starstruck ako sa kanya, super open niya, down-to-earth at bilang Hollywood star, sobrang humble niya. Simpleng tao lang,” ang mga papuri ni Andre kay Conan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN