Sunday PinaSaya director differentiates show from ASAP: "We're comedy-TV, sila naman ay concert-TV."

IMAGE Noel Orsal

Sunday PinaSaya director Andrew de Real (left) says Marian Rivera is able to keep up with veteran comedians such as Ai-Ai delas Alas.



Hindi ini-expect ng director na si Andrew “Mamu” de Real na magtatagal sa ere ang kanilang show na Sunday PinaSaya sa GMA-7.

Kaya laking tuwa niya na umabot na sila ng isang taon at patuloy ang mataas na TV ratings nila.

Ayon kay Direk Mamu, ang objective lang nila ay maghatid ng saya every Sunday at maiba naman ang concept ng show nila sa kalaban nilang show na ASAP sa kabilang network.

“Iba naman kasi ang concept namin. We’re comedy-TV, sila naman ay concert-TV.

“Naging alternative show kami for people na gusto naman ng matawa lang at mawala ang stress nila on a weekend.

“Kaya natuwa kami dahil na-work ang concept namin, yung mga segments ng shows inaabangan and the feedback we get from social media is very overwhelming.

“Kaya never naming inasahan talaga na we would go this far at mag-celebrate kami ng first anniversary.

“Kaya ang goal namin is the have fun, bring fun habang nandito kami at marami kaming napapasaya,” pahayag pa ni Direk Mamu nang makapanayam namin siya sa first anniversary celebration ng Sunday PinaSaya sa Le Reve Events and Pool Place sa Quezon City noong August 24.

Sa recently concluded PEP List Year 3, ang Sunday Pinasaya ang kinilala bilang Comedy Show of the Year.


Comedy Show of the Year: Sunday PINASaya #peplistyear3

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on



Naging venue ang Sunday Pinasaya ng mga artista na hindi mo aakalain na magaling pala sa comedy.

Ikinakatuwa ni Direk Mamu na nagagawa nilang maging mahusay na komedyante ang iba nilang hosts at maging ang kanilang mga nagiging guests.

“Yun siguro ang masasabi naming iba sa show namin kasi nagagawa naming mga comedians ang mga nagiging guests namin.

“Like noong mag-guest si Ms. Nora Aunor. Maraming natuwa sa ginawa niya.

“Pati na noong mag-guest si Chief Superintendent Ronald 'Bato' dela Rosa. Kaming lahat ay na-surprise sa pagpapatawa niya.

“Even ang mga host namin ay nabigyan namin ng ibang gagawin tulad na lang ni Barbie Forteza na napakagaling pala sa comedy.

“Kahit na sina Marian Rivera, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, nakikipagsabayan sila sa magagaling nang mga comedians tulad nila Ms. Ai-Ai [delas Alas], Jose [Manalo], Wally [Bayola] at Joey [Paras].

“So dito lang nila sa Sunday PinaSaya mapapanood ang mga ganyan.

“Hopefully, makuha rin naming mag-guest si Congresswoman Vilma Santos-Recto or si President Rodrigo Duterte. Interesado kaming makita kung kaya rin ba nila magpatawa.”

Lumaki na nga ang pamilya ng Sunday PinaSaya at may mga bago na silang mainstays na dati ay pa-guest-guest lang sa show.

“Dati ay sampu lang sila sa stage ng SPS, ngayon palaki na nang palaki.

“Kasama na sa pamilya ng ng SPS sina Ruru Madrid and Gabbi Garcia, Andre Paras, Lovely Abella, Atak Arana, Pekto at si Bae Kim Last.

“Siyempre nandyan pa rin sila Gladys Guevarra at Boobsie Wonderland.

“But we still want to discover new comedians.

“Hanap namin ay yung guwapo pero magaling magpatawa. Parang mala-Adam Sandler or yung mga guwapong comedians ng Saturday Night Live.

“Alam kong may madidiskubre pa kami at sa Sunday PinaSaya lang nila ‘yan mapapanood,” diin pa ni Direk Mamu.

Sa first anniversary ng Sunday PinaSaya, isang two-part celebration ito on September 4 and September 11.

“Pero this coming Sunday ay may patikim na kami sa magaganap na celebration.

“Maraming pasabog. Matagal na naming pinaghahandaan ito.

“Magugulat na lang ang mga televiewers sa mga gagawin ng mga host ng show.

“Sa brainstorming nga namin, tawa lang kami ng tawa kasi ang bago ng mga ipapakita namin.

“Lahat naman ng ito ay para sa mga sumubaybay ng Sunday PinaSaya kaya umabot kami ng one year at na-achieve namin ang matataas na ratings,” pagtapos pa ni Direk Mamu.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN