Atak Araña on co-star Eugene Domingo: "Napaka-generous niyang tao."

Comedian Atak Araña on working with Eugene Domingo: "Hindi siya nagbabago at sobrang mabait pa rin siya. Napaka-generous niyang tao. Lalo kapag may eksena kami, gusto niyang mag-shine kami. Hindi naman niya kailangan gawin iyon dahil show naman niya iyon."


Nagpapasalamat ang stand-up comedian na si Ronnie “Atak” Arana dahil sa mga shows sa GMA-7 kunsaan regular na siyang napapanood.

Kasama si Atak sa comedy anthology na Dear Uge at sa Sunday comedy variety na Sunday PinaSaya.

Unang nakilala si Atak sa mga pelikula ng yumaong direktor na si Wenn Deramas tulad ng Ang Tanging Pamilya, Petrang Kabayo, Bromance, Momzillas, Bekikang, Girl Boy Bakla Tomboy, The Amazing Praybeyt Benjamin, Maria Leonora Teresa, Moron 5.2 at Wang Fam.

Napapanood din siya sa ilang TV shows sa ABS-CBN.

Pero dahil sa Kapuso network na siya may regular show, wala naman daw problema iyon with ABS-CBN.

“Wala namang naging problema, kasi unang-una, wala naman akong show ngayon sa Dos.

“Nagkakaroon lang naman ako ng project sa Dos dahil kay Direk Wenn.

“Ngayong wala na si Direk Wenn, siyempre, may ibang priority na ang mga talents ang Dos.

“Mabuti na lang at may tumutulong sa akin, like si Tita June Rufino.

“Siya kasi ang manager ko at siya ang nag-asikaso ng pagpasok ko sa mga shows sa GMA.

“Unang paglabas ko sa GMA ay nagge-guest lang ako sa Sunday PinaSaya. May isang segment sa show na doon lang ako lumalabas.

“Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Direk Mamu [Andrew de Real], kasi binigyan niya ako ng opportunity na makasama sa show nila.

“Hanggang heto na nga, ginawa na nila akong part ng pamilya ng Sunday PinaSaya.

“Kaya thank you very much Kapuso network!” masayang kuwento ni Atak sa first anniversary celebration ng Sunday PinaSaya sa Le Reve Events and Pool Place in Quezon City.

WORKING WITH EUGENE. Happy din si Atak dahil naging regular cast na siya ng show ni Eugene Domingo na Dear Uge.

Kuwento niya, “Noong una ay nag-guest lang ako.

“Pero natuwa sila sa naging rapport ko with Miss Uge at kay Divine Aucina, kinuha na nila akong regular cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang role ko pa ay barangay tanod. Tapos, ginawa akong ka-loveteam ni Divine.

“Ngayon, naging babae na ako a la Caitlyn Jenner at meron pala akong anak na si Mercy [Jessah Nicole], na isa rin sa bagong cast member ng Dear Uge.”

Looking forward parati si Atak na mag-taping para sa Dear Uge dahil na rin kay Eugene Domingo.

“Masaya sa set ng Dear Uge kasi si Miss Uge, ilang beses ko siyang nakatrabaho sa mga pelikula ni Direk Wenn.

“Hindi siya nagbabago at sobrang mabait pa rin siya.

“Napaka-generous niyang tao. Lalo kapag may eksena kami, gusto niyang mag-shine kami.

“Hindi naman niya kailangan gawin iyon dahil show naman niya iyon.

“Pero mabait talaga siya at masuwerte ako na nakakatrabaho ko ang mga tulad niya,” pagpapasalamat ni Atak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN