Zoren Legaspi, Carmina Villarroel turned down offers to concentrate on JaDine teleserye

IMAGE Noel Orsal

Husband and wife Zoren Legaspi and Carmina Villarroel say the chance to be in a teleserye with James Reid and Nadine Lustre is an offer they can't refuse. "Kahit mga anak namin sobrang excited," shares Carmina.



Magkasama ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Nagkuwento si Zoren na nung una daw ay hindi agad sila naniwala ni Carmina na isang JaDine serye ang proyektong inaalok sa kanila.

Lahad niya, “The first time it was offered to us, parang medyo nagtalo pa kami kasi nga imposibleng JaDine at Dreamscape.

“Nung nalaman namin na talagang dun pala kami malalagay, we were very excited.

“Kaya yung ibang mga offers, di namin tinanggap, concentrate talaga kami dito.”

Yun din ang sabi ni Carmina, “Talagang una ‘di pa ako makapaniwala, unti na mineet na kami.

“Inalok na sa amin yung roles, super excited… super blessed, super happy, sobrang excited.

“Kahit mga anak namin sobrang excited, parang, ‘Wow, you’ll be working with JaDine!’”

Sinundan daw nina Carmina at Zoren ang unang teleserye nina James at Nadine na On The Wings Of Love.

“Nakakatuwa kasi dati napapanood lang namin sila, kinikilig-kilig lang kami sa TV.

“Iba pala pag nakikita mo sila in person.

“Mas maganda, mas guwapo in person, mas totoo.

“We’re very lucky… ‘di naman palagi may tsansa na makasama sila sa isang proyekto.

“Plus, magkasama pa kaming dalawa [ni Zoren].

“Sobrang pasasalamat sa Dreamscape, sa ABS, kay God kasi nga grabe ang blessing na binigay sa amin.”

Nakausap namin sina Zoren at Carmina sa presscon ng Till I Met You noong August 27 na ginanap sa Le Reve Events Place.


PROS AND CONS. Sa teleserye ay gumaganap si Carmina bilang si Cassandra, ang super romantic na mommy ni Nadine.

Ama naman ni James si Zoren na ginagawa ang lahat para mawala ang tampo ng anak dahil broken family sila.

Para sa aktres may advantage at disadvantage pag magkasama sila sa isang show ng asawa.

“Oo naman kasi kumportable na kayong dalawa, masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang disadvantage lang talaga, pareho kaming wala sa bahay.

“Pero malalaki na naman yung mga kambal namin and they understand naman.”

Ayon naman kay Zoren, “Ang maganda nun pareho kaming may trabaho.

“At the same time, yung schedule alam namin dahil one production lang, yun ang kagandahan.”

Hiling lang daw ni Zoren ay sana mahaba ang takbuhin ng Till I Met You sa ere.

Aniya, “Looking forward ako na sana mahaba yung proyektong ito.

“Sa set makikita mo na very light ang mga tao, di lang silang dalawa [JaDine] kungdi yung production itself.

“‘Di sila selfish so masarap magtrabaho.”


SECOND HONEYMOON? May mga kinunang mga eksena sa Greece ang Till I Met You kung saan si Zoren lang ang kasama.

Sa kuwento ng aktor, sinama na rin si Carmina sa location shoot kahil wala itong eksena sa Greece.

Ayon pa kay Zoren, “Sa Santorini wala, bakasyon lang namin.”

Pabirong dinagdag pa ng aktor na kaya niya sinama ang asawa ay dahil tamad siyang pumirma ng mga dokumento.

Binawi naman niya agad ito, “Biro lang yun gusto ko talaga kasama siya.

“You know first time ko dun, talagang gusto ko siyang makasama.

“Siya may kinunan sa Athens, ako wala, chaperone lang ako, sumama ako sa kanya.”

Baka naman nag-honeymoon na rin silang magasawa sa mga lugar na ‘yon?

“Honeymoon? Actually mas more of parang turista talaga.

“May mga days na wala talaga siyang work so namamasyal kami.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN