Julie Anne San Jose excited about her new GMA teleserye

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose expressed her excitement over her new project with GMA Network. According to the singer-actress, she will star in a teleserye based on a popular movie. She is still clueless about her leading man.



Excited na ang Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa sisimulan niyang bagong teleserye sa GMA Network.

Huling napanood si Julie Anne sa teleseryeng Buena Familia na nagtapos noong March pa.

Ayon sa Kapuso singer-actress, ang kanyang pagbibidahan na teleserye ay isang remake ng isang pelikula.

“Yun pa lang po ang alam ko.

“They said na isang remake ng isang popular movie ang gagawin kong teleserye.

“Siyempre, excited na rin ako na mag-teleserye ulit kasi matagal na rin since I acted sa TV.

“Mas naging busy tayo sa school at sa recording noong album ko, kaya ngayon lang ulit tayo makakaharap ulit sa isang TV drama.”

LEADING MAN. Hindi rin daw alam ni Julie Anne kung sino ang magiging bagong leading man niya.

“Hindi pa po kasi kami nagkakaroon ng story conference kaya clueless ako kung sino ang magiging leading man ko.

“I guess bahala na sila kung sino ang sa tingin nila ang babagay sa akin.

“Ako naman, I’m always ready to work with any actor. Hindi naman po tayo choosy,” sabi niya.

Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makatambal?

“Naku, wala akong maisip sa ngayon. Marami naman pong puwede.

“Ayoko na sa akin manggaling at baka may mga mag-react pa.

“I will put my trust sa mga taga-GMA. Sila na ang bahala to choose kung sino ang magiging leading man ko.

“Like what I said naman, hindi po ako choosy. I will work with anybody na i-pair nila sa akin.”

PROMO TOUR. Bukod sa bagong teleserye, magiging busy rin si Julie sa sunud-sunod na biyahe niya, locally at internationally, para sa promotion ng kanyang album na Chasing the Light.

“Yes po, magsimula na rin kami soon ng promo tour ko for the album.

“Marami na ring mga Kapuso natin sa iba’t ibang bansa ang naghihintay sa tour natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unahin muna namin ang mga key cities sa mga probinsiya.

“Tapos isusunod na namin ang mga countries in Asia like Hong Kong, Singapore at iba pa.

“Gusto ko rin kasing ma-meet ang mga Kapuso natin doon at magpasalamat sa suporta na binibigay nila sa atin,” saad ni Julie Anne.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN