"The Correspondents" tackles the burgeoning Filipino population

Aug 25, 2008
Experts say that the Philippines ranks 12th in terms of population growth worldwide. Correspondent Abner Mercado discusses Filipino beliefs on family planning in the August 26 episode of The Correspondents.

Pang-labing-dalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na populasyon sa buong mundo, at inaasahang lolobo pa ito sa hanggang 110 million pagdating ng 2020.

Sa dami ng problemang kinakaharap ng bansa, bakit tila ayaw pa ring paawat ng mga Pinoy sa pagpapalaki ng pamilya?

Samahan si Correspondent Abner Mercado ngayong Martes (August 26) upang suriin ang ugat ng paglaki ng ating populasyon at alamin kung ano ang maaring maging lunas nito.

Sa isang lugar sa Aurora, Quezon, ipinatupad ang isang local bill—hanggang ngayo'y hindi maipasa-pasa ang Reproductive Health Bill sa kongreso—at naging epektibo naman ito sa pagkontrol ng pagdami ng anak.

Patunay rito ang mag-asawang sina Rhoda at Edgar na kasalukuyang may dalawa lamang na anak dahil pag-inom ng contraceptive pills ang napili nilang method of family planning.

Ngunit sa mga lugar na walang local bill na tulad sa Aurora ay patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon, tulad na lamang ni Aling Annie na may labing- isang anak, at sa kabila nito, wala pa rin daw siyang balak magpatali o huminto sa panganganak.

Continue reading below ↓

Kakulangan nga ba sa impormasyon at edukasyon ng mga tao ang dahilan? Paano nga ba mapipigilan si Juan sa pagpapalaki ng kanyang angkan?

Alamin ang kasagutan ngayong Martes (August 26) sa The Correspondents, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
ABS-CBN, television
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Experts say that the Philippines ranks 12th in terms of population growth worldwide. Correspondent Abner Mercado discusses Filipino beliefs on family planning in the August 26 episode of The Correspondents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results