Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Alyas Robin Hood director thankful to netizens despite copycat controversy: "It's still free publicity, di ba?"

by Ruel J. Mendoza
Sep 18, 2016
Alyas Robin Hood director Dominic Zapata speaks up on the copycat controversy triggered by the new Kapuso fantaserye online during the past weeks: "Nakatulong nang malaki ang ginawang ingay ng netizens sa social media. Kaya hindi ako nagagalit sa mga pinu-post nila. Malaking publicity yung controversy na iyon for our show."

Imbes na magalit ay ikinatuwa pa ng GMA-7 drama director na si Dominic Zapata ang copycat controversy na hinarap ng teleserye na hawak niya na Alyas Robin Hood.

Hindi pa man daw umeere ang naturang teleserye na bida ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay nagkaroon na ito ng mga bashers at haters dahil kinopya raw nito ang U.S. TV series na Arrow na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Stephen Amell.

Aminado si Direk Dom na hindi niya napapanood ang series na Arrow kaya clueless siya sa kung ano ang istorya nito.

Pero nagpapasalamat siya sa mga bashers at haters ng Alyas Robin Hood dahil nagkaroon agad ng ingay ang teleserye kahit na hindi pa ito pinapalabas.

“It’s still free publicity, di ba?

“Malaking publicity yung controversy na iyon for our show.

“Imagine, biglang naging aware ang marami sa Alyas Robin Hood. E, nasa gitna pa lang kami ng taping at wala pang media launch.

Continue reading below ↓

“Nakatulong nang malaki ang ginawang ingay ng netizens sa social media.

“Kaya hindi ako nagagalit sa mga pinu-post nila.

“I am very thankful kasi unaware sila na nakakatulong pa sila para maging curious ang maraming tao to watch our show,” pahayag pa ni Direk Dom sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alyas Robin Hood noong nakaraang September 11.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pakiusap lang ni Direk Dom, sana lang ay panoorin muna ng mga tao ang Alyas Robin Hood bago nila ito husgahan ng pagiging copycat.

“Ang pinagkapareho lang nila ay may pana silang pareho.

“Pero mas high-tech yung bow and arrows doon sa Arrow, di ba?

“Dito sa teleserye namin, simple lang pero nagagamit sa pagtugis ng mga masasamang loob.

“Iisa lang naman ang mensahe siguro ng dalawang TV shows na ito, that crime doesn’t pay.

“Good will always win over evil,” diin pa niya.


HAPPY DOING ACTION SERYE. Huling dinirek na teleserye ni Direk Dom ay ang drama-comedy na Poor Senorita kunsaan bida si Regine Velasquez-Alcasid.

Continue reading below ↓

Kaya natuwa si Direk Dom nang bigyan na siya ng isang action teleserye na siyang naging forte niya noon.

Pag-amin niya, “Na-miss ko yung magdirek ng mga action scenes like what I did before with Mulawin, Super Twins, Darna, Captain Barbell, Zaido: Pulis Pangkalawakan and Zorro.

“Napunta naman tayo sa mga drama at romantic-comedy na mga teleserye.

“So it’s really great to work again on a teleserye na may action ang genre niya, tapos si Dingdong pa ang bida.

“The last time na madirek ko si Dong was in My Beloved noong 2012 pa. Hindi pa sila kasal ni Marian [Rivera] that time.

“I’m just happy to be collaborating with Dong again. At malaki na ang improvement ni Dong bilang aktor.

“Mas inspired na siya because he already has his own family.”


IN PRAISE OF DINGDONG. Isa nga raw si Dingdong sa mga nakatrabaho ni Direk Dom na hindi nagbabago ang pag-uugali.

Continue reading below ↓

Kahit na sumikat na ito, hindi raw nawawala ang pagiging humble nito.

“Isa si Dong sa pinakamabait at madaling makatrabahong tao.

“Ever since TGIS days, never akong nagkaproblema sa kanya.

“He is still the humble and down-to-earth person na nakilala ko 17 years ago.

“Hindi siya nagbabago talaga at sana siya ang tularan at maging inspirasyon ng mga baguhang artista ngayon,” pagtapos ni Direk Dom.



Read Next
Read More Stories About
Alyas Robin Hood
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alyas Robin Hood director Dominic Zapata speaks up on the copycat controversy triggered by the new Kapuso fantaserye online during the past weeks: "Nakatulong nang malaki ang ginawang ingay ng netizens sa social media. Kaya hindi ako nagagalit sa mga pinu-post nila. Malaking publicity yung controversy na iyon for our show."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results