Dave Bornea admits instant connection with Alyas Robin Hood love team partner Lindsay de Vera

by Ruel J. Mendoza
Sep 27, 2016
Former StarStruck 6 contestant Dave Bornea admits feeling inspired by his love team partner Lindsay de Vera: "I'm glad po na kami ang ginawang loveteam sa teleserye, kasi I consider Lindsay as one of my closest friends dito sa Manila. That's why I see her as my inspiration. Makita ko lang siyang mag-smile, buo na ang araw ko."


Akala ng baguhang teen actor na si Dave Bornea na hindi na matutupad ang pangarap niyang maging artista noong ma-eliminate siya sa reality-artista search contest na StarStruck 6.

Gamit ang pangalang Chat Bornea, umabot lang sa Top 18 ng naturang contest ang 20-year-old aspiring actor mula sa Talisay City, Cebu.

“Na-cut po ako noong piliin nila ang Top 14.

“Kasama ako sa apat na hindi nakapasok.

“Siyempre po, sobra akong nalungkot kasi gusto ko talaga ang maging artista.

“Kaya after StarStruck, I really thought na wala na talaga—hindi na matutupad ang dream ko.

“Pero after six months of waiting, biglang dumating na po ang mga blessings.

“Kaya I am very thankful, kasi hindi lang ako nakasama sa primetime teleserye na Alyas Robin Hood, isa rin ako sa member ng bagong boy band ng GMA-7 na One Up.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dave sa press launch ng Alyas Robin Hood noong nakaraang September 11.

Bago pala sumali ng StarStruck si Dave ay naging finalist din siya sa Mr. Pogi segment ng Eat Bulaga noong 2012 gamit ang pangalan na Justin Merck de Jesus.


PROUD BISAYA. Dahil dumating na ang break na hinihintay ni Dave, nag-iingat ito ngayon na hindi masyadong mahalata ang kanyang Visayan accent.

Kuwento niya, “Noong sumali ako sa StarStruck last year, hirap na hirap akong magsalita ng Tagalog na diretso.

“I was born and raised in Cebu kaya Bisaya talaga ako.

“Baka raw ang puntong Bisaya ko ang naging reason kung bakit na-eliminate ako sa StarStruck.

“Pero pinagpursigehan ko naman na makapag-Tagalog ako ng diretso.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

“Ngayon ay halos hindi na halata ang Visayan accent ko.

“When I sing naman, walang puntong Bisaya.

“But don’t get me wrong, I am a proud Cebuano—proud Bisaya ako.

“Pero dahil nasa showbiz tayo, kailangan ko pa ring pag-aralan ang straight Tagalog.

“But it doesn’t mean na kinalimutan ko na ang pagiging Bisaya ko.”


PURSUING HIS DREAM. Dahil naka-base na sa Manila si Dave, nag-stop muna ito sa kanyang pag-aaral sa University of Cebu kunsaan nasa third year na siya ng Hotel and Restaurant Management course.

Lahad niya, “One year to go na lang at matatapos na po ako.

“Pero sayang naman po ang opportunity na dumating sa akin.

“This is my dream at six months ko po siyang hinintay na magkatotoo.

“Saka gusto ko rin pong tulungan ang family ko financially.

“I’m the eldest po sa magkakapatid, at gusto ko pong tumulong na pag-aralin ang dalawang kapatid ko.

“They are all in Cebu at ako lang ang nandito sa Manila.

“Malungkot po ang nag-iisa ka rito kasi nasanay ako na nakapaligid sa akin ang pamilya ko.

“Pero this is the sacrifice I have to make para sa dream ko at sa kagustuhan kong matulungan ang pamilya ko.

“My family understands and they support me sa mga pangarap ko.

“I just want to grab every opportunity that comes my way kasi matagal ko pong hinintay ito.”


INSPIRATION. Naging busy na si Dave sa sunud-sunod na schedule ng kanyang taping para sa Alyas Robin Hood at sa guestings at personal appearances ng grupo nilang One Up.

Kaya wala raw itong pagkakataon na mabigyan ng priority ang kanyang lovelife.

“Wala po akong lovelife.

“Pero may inspirasyon ako ngayon.

“That is no other than my partner in Alyas Robin Hood na si Lindsay de Vera.

“I'm glad po na kami ang ginawang loveteam sa teleserye, kasi I consider Lindsay as one of my closest friends dito sa Manila.

“Noong mag-workshop po kami together, nagkaroon na kami agad ng magandang connection.

“Kaya kapag malungkot po ako kasi name-miss ko ang family ko sa Cebu, si Lindsay ang nagpapasaya sa akin.

“Iba ang feeling ko when I'm with her kasi.

“Pero hindi siya puwedeng ligawan kasi she’s only 16.

“That’s why I see her as my inspiration. Makita ko lang siyang mag-smile, buo na ang araw ko,” pag-amin niya.



Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dave Bornea
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former StarStruck 6 contestant Dave Bornea admits feeling inspired by his love team partner Lindsay de Vera: "I'm glad po na kami ang ginawang loveteam sa teleserye, kasi I consider Lindsay as one of my closest friends dito sa Manila. That's why I see her as my inspiration. Makita ko lang siyang mag-smile, buo na ang araw ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results