Meet Yuan Francisco, bearer of the fifth gem in Encantadia

Yuan Francisco, the familiar face in Downy's Boom Boom Pow TV ad, is one of the latest additions to the Encantadia cast. He plays Pao-Pao, keeper of Encantadia's fifth gemstone.



Pinanggigigilan ngayon ang bagong cute na GMA-7 child actor na si Yuan Francisco, o mas kilala bilang si “Boom, Boom, Pow!” sa Downy TV commercial.

Kabilang na sa cast na Kapuso primetime telefantasya na Encantadia si Yuan bilang si Pao-Pao, ang batang may hawak ng ikalimang brilyante ng Encantadia.

Ilang beses na siyang lumabas sa naturang telefantasya at siya ang nagligtas kay Sanggre Amihan (Kylie Padilla) noong nasa binggit na ito ng kamatayan.

Naipakita na rin niya ang kanyang kapangyarihan noong nakipaglaban siya sa mga sundalo ng Hathoria.

Six years old pa lang si Yuan pero naka-anim na TV commercials at print ads na siya sa loob ng dalawang taon.

Na-discover si Yuan ng isang talent scout habang nasa isang mall siya kasama ang kanyang magulang.

Doon na raw nagsimula ang paggawa niya ng sunud-sunod na TV commercials.

Sumali rin si Yuan sa season two ng It’s Showtime Mini-Me kunsaan si Richard Gutierrez ang kanyang ginagaya.

Ngayon ay isa na siyang Kapuso dahil sa Encantadia.

Kung paano pinaghahandaan ni Yuan ang mga eksena niya sa naturang telefantasya, heto ang sinabi niya sa kanyang interview sa 24 Oras.

“Isa lang pong beses sinasabi yung script ko, tapos ako na po ang magbabato ng lines mag-isa,” diin pa ni Yuan.

Isa rin sa mga talents ni Yuan ay ang paggaya sa kanyang idol na si Alden Richards at sa 24 Oras anchor na si Mike Enriquez.

Dahil pinasikat ni Yuan ang “Boom Boom Pow,” naging dance craze na ito at kinatutuwaan ito ng marami nang i-upload ni Sanya Lopez sa Instagram na sumasayaw sila ng ilang cast ng Encantadia kasama si Yuan.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN