Alden Richards misses doing teleseryes; to do new soap with Maine Mendoza?

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2016
Malapit na daw matapos ang mga pinaplanong proyekto ng GMA-7 para kay Alden Richards. Hindi naman kinumpirma ng GMA executives kung kabilang na dito ang teleserye nila ni Maine Mendoza pero mas maganda daw ang maghintay sa tamang panahon.


Kasabay ng pagpirma ni Alden Richards ng exclusive ‘forever’ contract sa GMA-7, ay ang hudyat na muli na siyang babalik sa paggawa ng teleserye.

Lagpas isang taon ng hindi nakakagawa si Alden ng soap opera matapos maging busy sa Eat Bulaga at sa pagsikat ng love team nila ni Maine Mendoza.

Kaya daw hindi talaga niya naiwasang ma-miss ang paggawa ng primetime series.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang contract signing sa GMA kaninang umaga, September 27, “Sobra po [na-miss].

"When it comes to project next year, wala pa po akong knowledge about that, kumbaga my management is keeping everything a secret po muna.

“That something to look forward to and that something is very exciting po.”

Ang susunod na ba niyang gawin ay ang pagtatambalan nila ni Maine na teleserye sa January 2017?

Ayon kay Alden, hindi pa rin daw niya ito masasagot dahil kasalukuyang nilalatag pa ng GMA ang kanyang mga gagawing proyekto.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay GMA-ETV Senior VP Lilybeth Rasonable, “Definitely soon. Katulad ng sinabi ng Eat Bulaga, sa tamang panahon iri-reveal natin ‘yan.

“Malapit na ‘yan, konting tiis na lang. ’Pag hinintay, mas masarap.”

ENCANTADIA. Ayon pa kay Alden, nabawas-bawasan ang pagkasabik niya sa muling paggawa ng teleserye sa kanyang paglabas sa Encantadia nitong nakaraang Linggo.

Malaki ang pasalamat niya sa pamunuan ng epic telefantasya at napagbigyan daw ang kanyang matagal ng pangarap na mapabilang sa mga cast members nito.

Saad niya, “Medyo, I will appear pa in the next couple of weeks pa and then we’ll see.

“Puwede po ba hanggang dulo na lang? Bahala na po pero may experience po with Encantadia has been very fun, kumbaga another dream of mine came true being part of the cast.

“And kumbaga we’ll see po kung babalik ako, aabangan po natin ‘yan. And to all the people who are supporting Encantadia, thank you.”



Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit na daw matapos ang mga pinaplanong proyekto ng GMA-7 para kay Alden Richards. Hindi naman kinumpirma ng GMA executives kung kabilang na dito ang teleserye nila ni Maine Mendoza pero mas maganda daw ang maghintay sa tamang panahon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results