Jericho Rosales and Cristine Reyes lead the cast of "Kahit Isang Saglit"

by Julie E. Bonifacio
Aug 27, 2008
Jericho Rosales and Cristine Reyes are caught in a love triangle with Malaysian actress Carmen Soo (not in photo) in the ABS-CBN-Star Cinema-Double Vision production Kahit Isang Saglit.

Inilabas na ng ABS-CBN-Star Cinema Productions ang opisyal na pamagat ng bagong teleserye ni Jericho Rosales, kasama ang Malaysian actress na si Carmen Soo, na malapit nang mapanood sa Kapamilya network, ang Kahit Isang Saglit. Taliwas ito sa mga naunang naglabasan na ang titulo ng teleseryeng pagsasamahan ng ABS-CBN-Star Cinema Productions at ng Malaysian producer na Double Vision ay A Time For Us.

TRIBUTE. Kahit Isang Saglit ang naisip ng Kapamilya network na gawing official title ng teleserye nina Jericho at Carmen bilang tribute sa yumaong direktor na si Manong Gilbert Perez. Matatandaan na towards the end ng pagsu-shoot ng teleserye, inatake sa puso si Manong Gilbert, na siyang ikinamatay nito.

Kahit Isang Saglit ang titulo ng unang pelikulang dinirek ni Manong Gilbert na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. At ang teleseryeng Kahit Isang Saglit naman ang kanyang huling proyekto sa Kapamilya network.

Noong Agosto 24 ay ipinalabas na ang teaser ng Kahit Isang Saglit sa ABS-CBN Primetime Bida na siya ring 40th day ng pagyao ni Manong Gilbert. Ang kaibigan at kasamahan ni Manong Gilbert sa ABS-CBN na si Direk Jerry Sineneng ang nagpatuloy sa pagdidirek ng Kahit Isang Saglit.

Continue reading below ↓

Mas napaaga rin ang pagpapalabas ng Kahit Isang Saglit sa telebisyon. Magsisimulang mapanood ang teleserye nina Jericho at Carmen sa Setyembre. Originally, it was intended para sa last quarter ng 2008. Pero dahil sa tindi ng demand, napagdesisyunan ng ABS-CBN management na ipalabas na ito next month.

Bukod kina Jericho at Carmen, kasama rin ang dalawang higante at mahuhusay na aktor ng lokal na pelikula na sina Christopher de Leon at Albert Martinez. Plus, ang sexy star na si Cristine Reyes naman ang gaganap na ka-love triangle nina Jericho at Carmen sa teleserye.

CRISTINE REYES. Mas mauunang mapapanood si Cristine sa Kahit Isang Saglit kaysa sa pagbibidahan niyang soap opera na remake ng 1976 Alma Moreno sexy movie na Eva Fonda 16. Kasabay ng Kahit Isang Saglit, mapapanood din siya sa sitcom na Banana Split. Patunay lang na hindi true ang tsika na nabuburo lang ang beauty at talent ni Cristine sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasabay nito, marami ang nagulat at humanga sa performance ni Cristine sa katatapos lang na episode ng Maalaala Mo Kaya noong August 24. Marami ang humanga sa kaseksihan ng katawan ni Cristine at umayon na akma talaga sa kanya ang maging bagong Eva Fonda ng kasalukuyang henerasyon.

REVELATION. Revelation din ang ipinakitang pag-arte ni Cristine sa mapaghamong role niya bilang GRO sa naturang episode ng MMK. Nagulat ang mga nakapanood sa laki ng improvement sa pag-aarte ni Cristine ngayon kumpara noong nasa GMA-7 pa lang siya.

Masaya naman ang Kapamilya network sa sunud-sunod na proyektong dumarating ngayon sa bida ng bagong teleserye na Kahit Isang Saglit na si Jericho. Kasabay ng pag-ere sa telebisyon ng Kahit Isang Saglit next month, magsisimula na rin si Jericho ng bago niyang pelikula mula sa Viva Films, ang Baler.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales and Cristine Reyes are caught in a love triangle with Malaysian actress Carmen Soo (not in photo) in the ABS-CBN-Star Cinema-Double Vision production Kahit Isang Saglit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results