Solenn's character to get big revelation; who is the woman behind Lilasari on Encantadia?

Solenn Heussaff's character Cassiopeia took care of Lilasari (left). To date, the identity of Lilasari has not yet been revealed on Encantadia.



Dagsa ang trabaho ngayon ni Solenn Heussaff sa GMA-7.

Nandiyan ang A1 Ko Sa ‘Yo, ang Taste Buddies, Tripinas, at kasama rin siya sa primetime series na Encantadia.

Ayon kay Solenn, malayo ang location nila para sa telefantasya dahil sa Bataan pa ito ginagawa.

Pero masayang-masaya raw siya dahil sa mataas na TV rating na nakukuha ng Encantadia.

“I heard, super happy… I never doubted that it would happen.

“Sobrang as in lahat ng mga shootings, grabe, mga locations, costumes.

“It’s really a great amount of effort from a lot of people, so sana naman.”

Sobrang masaya rin daw siya sa lahat ng feedback na nababasa niya.

Aniya, “Super happy ako kasi I haven’t watched the first Encantadia.

“I knew about it, siyempre, naka-frame yung mga costumes sa GMA.

“So, when they told me ako ang magiging Cassiopeia, natuwa ako na wala siyang Tagalog lines.

“Sabi ko, ‘Yehey, hindi ako mahihirapan sa Tagalog.”

Iba nga raw ang salita ni Cassiopeia, “Sabi ko, ‘Anong language ‘yan? Sana French na lang.’

“Sabi, ‘Hindi, Enchanta.’ Sabi ko, ‘Kahit anong sabihin ko, puwede?’

“Hindi raw kasi yung mga fans ng Encantadia, marunong silang mag-Enchanta.

“As in, may language talaga, may alphabet.

“So palagi akong nag-e-Enchanta, nagre-rehearse talaga.

“Okay naman, now I’m getting used to learning and memorizing Enchanta lines.”

Si Solenn na rin ang nagkuwento na may dapat daw abangan sa mga susunod na episodes sa kanyang karakter.

Ayon dito, “May pasabog in a week or two weeks.

“Sa lumang Encantadia, you didn’t see bakit naging Cassiopeia si Cassiopeia.

“So ngayon, iri-reveal.”


LILASARI. Sa ngayon, may pinakilala na bagong karakter sa Encantadia: si Lilasari.

Siya ay inalagaan ni Cassiopeia (played by Solenn) simula pagkabata. Pinagawan niya si Lilasari ng mask upang harangan ang kapangyarihan nito na gawing bato ang sinuman na makakakita ng kanyang mukha.

Sinabihan ni Cassiopeia na hindi niya ibibigay ang korona kay Lilasari kung hindi siya magbabago. Tinangka ni Lilasari na kunin ang korona ngunit natalo siya at pinatapon sa Carcero.

Sa Carcero ay nagkakilala sina Lilasari at Adhara (Sunshine Dizon) at naging magkakampi.

Ayon sa blog ng lead visual artist ng Encantadia na si Noel Layon Flores, si Lilasari ay pinangalan nila base sa Mindanao legend na Bidasari.

Sinabi pa ni Noel tungkol sa karakter na ito, "Who ever sees her face shall turn into stone or be taken into a catatonic state. The Cursed Lilasari is one of the new villains in the Encantadia mythology remake.

"She was adopted by the first queen of Lireo, Cassiope-a. As she grew up she was also trained not only to be a princess but also to be as a diwata warrior. But no matter how loved she was by Cassiope-a, she still grew up with hatred, because of her curse."

Hindi pa pinapakilala sa Encantadia kung sino ang gumaganap bilang Lilasari.

Isa rin kaya ito sa big revelations ng epic telefantasya?


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN