Arjo Atayde treats acting job as his "girlfriend"

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde says he also dreams of doing romantic-comedy movie or teleserye: "Gusto ko muna makita kung ano ang magiging strengths and weaknesses ko."



Sa kabila ng impression na siya ay isa nang seryosong aktor, hindi pa rin nawawala sa listahan ni Arjo Atayde ang siya ay makagawa ng isang rom-com movie o teleserye.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal), “Gusto ko po.

"Kasi, parang nawala na yung bida-kontrabida after three teleseryes.

"And doing rom-com is something na... I wanna do it not to... how should I say this?

"I wanna do rom-com and do other roles para makita ko.

"I'm new, e. I wanna exlore.

"So from there, gusto ko muna makita kung ano ang magiging strengths and weaknesses ko."

Pero, habang pangarap pa rin yun, mas gusto muna ni Arjo na ibinigay ang lahat sa kanyang karakter bilang si Joaquin sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano lalo na nga't katatapos pa lamang nilang mag-celebrate ng ika-one year anniversary nito.

Aniya, "The character requires.

"So in every ano, I don't know to what extent or what character I can do.

"Pero, as of now, I focused one at a time.

"Parang, each and every experience, ninamnam ko siya.

"Hindi ko iniisip ahead, kung ano ang...pero, ang iniisip ko ang ngayon, kung ano ang kaya kong gawin, kung ano pang puwede kong gawin at pagandahin."

Sa kabila ng pagpupuri sa kanya dahil sa galing umarte, marami ang gustong malalaman kung naba-bother din ba siya na mahigit isang taon na papel niya bilang kontrabida?

Tugon ng award-winning actor, "Hindi naman po.

"For me, as I've said before, this is just a job, and nothing more than that.

"I love it so much, it's my 'girlfriend,' it's my life: yung acting.

"And for me, I get into the character, I want...as much as I say I'm doing method, wala tayong oras para gawin 'yan.

"But as far as I'm concerned, I'm slightly doing it in a way na I believe in my character, and I love my character."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na ba siya ng isang hindi magandang karanasan kung siya ay nasa public place dahil sa pagiging si Joaquin?

Ani Arjo, "Ganun man po, pero that's very rare.

"I should say naman na yung viewers natin ngayon, they're very smart.

"They know what's real or not."

Pero, aminado din siya na nakakatanggap din siya ng bashing mula sa netizens.

Saad niya, "Bashing, 'di ko pinapansin.

"Wala naman po, pero, of course, 'di naman mawawala.

"I don't take time reading whatever message."

Sa puntong ito, ipinagtanggol niya ang kanyang pagiging kontrabida niya sa teleserye nila ni Coco Martin.

Aniya, "Actually, heto nga po ang kaiba sa character ko.

"Ang kontrabida, the way I saw it before, or as I learned through the years, kapag sinabing kontrabida, 'Ah, masama akong tao.'

"No, it's not that, and kontrabida pala, 'cause there's a certain belief like each and every of us, that's my logic about kontrabida.

"I'm not bad to begin with, I have responsibilities to do it."

Gaano ba siya ka-sensitive sa kanyang character lalo na nga't ang episodes nila ay nagpapakita ng karamihang current situation ng ating lipunan?

Ayon sa kanya, "Actually, it's the character building, 'no.

"Kasi, honestly speaking, mahirap magsabi na we're going with the current issues.

"Kasi sometimes, nauuna pa kami sa news, 'di ba, if you noticed.

"Kahit kami ay nagugulat, so there and then, we have a build a certain character, certain nuances, certain thinking na yun na, ganun talaga.

"We have to adapt to what is given to us."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN