Who is on Boy Abunda's wishlist as interviewee for his TV show?

IMAGE Noel Orsal

"I would love to do an interview with Digong [President Rodrigo Duterte]," says Boy Abunda when asked whom he would like to interview for Tonight With Boy Abunda.



Nagdiwang na ng first year anniversary ang ABS-CBN late night talk show na Tonight With Boy Abunda kamakailan.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Boy Abunda sa lahat ng taong sumuporta at nagtiwala sa kaniyang show.

“Yes maraming salamat, maraming salamat sa lahat,” sabi ni Boy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbubukas ng bagong branch ng Goodah!!! sa Timog Avenue, Quezon City kamakailan.

Patuloy niya, “Unang-una sa mga bosses namin sa ABS-CBN, sa advertisers, sa mga sumusuporta, sa Abundants, maraming, maraming salamat.

“Sa artista at mga public figures na dumadalaw sa ating palabas, nagtiwala sa amin, maraming, maraming salamat.”

At dahil patuloy pa rin ang TWBA, tinanong ng PEP kung may personalidad pa siyang pangarap niyang makapanayam sa kanyang programa.

Ay marami pa,” sagot niya.

Pero para sabihing may pangarap di naman because there’s an editorial team for Tonight With Boy Abunda, may editorial team ang Bottomline, na silang namimili kung sino ang mga guest.

So far, di ako tumatanggi bilang host.”

Gayunman, katulad ng ibang TV host, hindi itinanggi ni Boy na gusto niya ring makapanayam si President Rodrigo Duterte.

I would love to do an interview with Digong,” sabi niya.

Actually before the election, even before he decided to run, ako’y nagpahiwatig na sa kanya na gusto ko siyang imbitahan sa Bottomline.

Nagkita kami ng isang beses before he decided to run but I haven’t seen him again.”

Of course, who wouldn’t want to do an interview with the President?”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN