Mark Neumann chooses between Ch 2 and 7: "I guested in GMA and I like it there, to be honest. I like it."

IMAGE Mark Neumann Instagram

TV5 artist Mark Neumann on being considered for role originally intended for Alden Richards in My Love From the Star: "Nakakataba ng puso, kasi di ba, I'm in a different network and they kinda think of me. Parang it's a proud feeling."

 



Nagulat si Mark Neumann na nababanggit ang pangalan niya bilang isa sa diumano’y posibleng pumalit sa karakter na gagampanan dapat ni Alden Richards at makakatambal ni Jennylyn Mercado.

Ito ay para sa teleseryeng My Love From the Star ng GMA network.

Ayon kay Mark, “Nabasa ko rin kasi sa Twitter, puro tina-tag sa akin ang mga write-ups.

“Hindi ko nga alam, actually. Wala akong kinalaman dun.

“Basta in-open ko lang ang Twitter ko at nakita ko yung mga link sa akin na Jennylyn Mercado.”

Ngunit paglilinaw ni Mark, hindi siya nag-audition para rito.

Nalalaman lang daw niya ang tungkol dito dahil nga sa mga nagta-tag sa kanya sa Twitter.

Ayon pa kay Mark, wala rin siyang nakausap tungkol dito.

Pero natuwa naman daw siya kung isa nga siya sa mga inirekomenda para sa karakter ni Matteo Do sa Pinoy adaptation ng Korean series na My Love From the Star.

Pag-amin ng Kapatid star, “Nakakataba ng puso, kasi di ba, I’m in a different network and they kinda think of me.

“Parang it’s a proud feeling.

“It’s a different network and parang they’re kinda trying to get my attention.

“Well, it’s not really to get my attention, but more of thinking about me.”

Kung sakali, puwede nga ba siya rito?

“Ay, pag ganun na, mahirap na kuwestiyon, I always say, 'Ask my manager!'” natawa niyang sabi.

Ang tumatayong manager ni Mark ay si Gio Medina, na nilinaw na walang “falling apart” na nangyari sa kanilang dalawa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark at ang manager nito sa launching ng Selective Professional, ang bagong hair products mula sa Italy, kunsaan ang mismong manager ni Mark ang endorser.

Ginanap ito sa Solaire Ballroom noong October 10.

NO RUSH TO SWITCH NETWORKS. Inamin naman ni Mark na kahit paano, natuwa siya nang malamang lumalabas ang pangalan niya sa posibleng maging leading man ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-guest naman kasi ako sa Karelasyon. Open naman ang TV5 sa guesting.

“Kaya siguro na-link yung mga tsismis na mag-GMA, dahil sa guesting ko,” saad niya.

Kung sakaling matuloy nga ang plano at kunin siya, papayag ba siya?

“Yun ang hindi ko pa rin masasabi.

“Depende sa desisyon ng manager ko,” diin niya.

Sa isang banda, ang ibang mga kasamahan niya dati sa Artista Academy, ang mga winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert ay parehong nasa Kapamilya network na.

Ang isa pang kasamahan niya dati sa Kapatid network na si Ritz Azul ay nasa ABS-CBN na rin.

May pakiramdam ba siya na parang siya na lang ang naiwan?

Aniya, “Actually, happy. Happy ako for them.

“Kasi, I see them, like Ritz, they look pretty good and for me, of course, nakasama ko sila ng ilang years, so I’m happy for them.

“I’m also glad they they look okay and they’re doing fine.”

Wala ba siyang pakiramdam na parang naiwan siya?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi naman.

“Kumbaga, when opportunity knocks, sige. Nothing to be jealous about or parang naiinggit.”

Kung sakali at dumating ang panahong maisip na rin niyang magpaalam na rin sa TV5, saan niya nakikita ang sarili? Mas pipiliin ba niya ang ABS-CBN o GMA-7?

Tugon niya, “Well, I already guested in GMA and I like it there, to be honest. I like it.

“Mabait din ang mga tao dun.

“Pero sa ngayon, there’s a few shows naman that will be produced in TV5 and there’s Sine Squad naman.”

CONTRACT. Hanggang sa isang taon pa raw ang kontrata ni Mark sa TV5 at mayroon din daw option na puwede itong i-renew.

Ang manager na ni Mark na si Gio ang sumagot ng, “Nandun pa rin tayo sa respeto.

“Siyempre, kung saan tayo nagsimula, tapusin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman magiging Mark Neumann ‘yan kung hindi dahil sa TV5.”

Sa ngayon, may dalawang pelikulang ginagawa si Mark.

Isa na rito ang Kamandag ng Droga na idinirek ni Carlo J. Caparas.

May koneksiyon daw ito sa malawakang kampanya laban sa droga.

“Change is coming, right? It’s more of an advocacy film. Not only related to drugs, but also advocacy rin,” paliwanag niya.

Wala rin daw problema kay Mark ang pagpapa-drug test ng mga artista.

Payag daw siya rito.

“Oo naman, anytime, like right now, gusto niyo?” nakangiting hamon pa niya.

Suportado ba niya ang kampanya sa droga ng gobyerno?

“Oo naman. Whatever we think of it, drugs is drugs,” lahad niya.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN