Ritz Azul reveals how leading man Paulo Avelino helps her



Si Ritz Azul ang isa sa mga dumalo sa launch ng Italian hair product na Selective Professional sa Solaire Hotel kamakailan.

Ang dating TV5 star na ngayon ay ABS-CBN talent ay endorser ng Shawill make-up.

Kinamusta namin kay Ritz ang ginagawa niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The Promise of Forever at kung kailan na ito maipapalabas.

Ayon kay Ritz, “Ang dinig ko sa production, umaasa sila this year. Pero ang sure raw, early next year.”

Sa ngayon, kasalukuyan pa rin daw silang nagti-taping para rito.

“Ongoing pa rin ang taping. Ngayon, mas inaalagaan namin ang shots at saka yung istorya, may mga revisions kami na ginagawa minsan para mas maganda.

“At saka, iba kasi yung series, hindi siya normal na love story.”

Pero yung titulo pa lang ng teleserye, parang pang-love story ito.

“Yes, pero hindi siya normal. Hindi ko alam kung puwede kong i-reveal, basta ang hirap i-explain,” natatawang sabi ni Ritz.

Ang dalawang director ng The Promise of Forever ay sina Darnel Villaflor at Hannah Espia (director ng Cinemalaya 2013 entry na Transit).

Lovers naman daw sila ni Paulo sa teleserye, pero hindi raw niya maipaliwanag ng husto at mas maganda kapag pinanood na lang.

Pero ayon kay Ritz, “Si Paulo si Nicholas Barrientos. Marami siyang characters, hindi ko ma-explain. Ako si Sophia Madrid, tapos si Ejay Falcon, si Phillip.

“Si Ejay ang best friend ko rito, so dun tumatakbo ang istorya sa tatlong yun, sa triangle. Tapos, nandito rin si Ms. Cherry Pie Picache at si Kuya Benjie Paras.

“Iwan ko na sa inyo ang puzzle muna,” natawang sabi niya.

Kinamusta naman namin si Ritz si Paulo na isa sa leading man niya sa The Promise of Forever.

Isa raw ito sa wish niya noon na nagkaroon ng katuparan agad, ang makatrabaho ang actor.

“Bilang katrabaho, si Paulo sa akin, ako kasi, sinabi ko na talaga na gusto ko siyang makatrabaho, pagpasok ko pa lang ng ABS.

“So, overwhelming na agad sa akin na nakatrabaho ko siya agad sa first series ko rito sa ABS. Bilang ka-trabaho naman, nagiging open ako sa kanya.

“Sinasabi ko na kinakabahan ako, hindi ko alam. First time ko sa series na ‘to, first time ko with ABS, pero tinutulungan naman niya ko. Tinutulungan niya ko kung paano makisama,” saad niya.

Nag-workshop din daw sila kay Ivana Chubbuck. Doon pa lang daw, medyo naging close na sila ni Paulo.

“Naging close kami ng konti run kasi, kailangan din ng rehearsal. Kailangan sa workshop medyo makilala mo pa ng konti ang tao. So dun, medyo nakilala ko siya run sa workshop.

“Pero magkaibigan naman kami ni Paulo.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN