Dingdong-Marian birthday blowout to air on GMA-7, August 31


Watch the controversial concert of Dingdong Dantes and Marian Rivera this Sunday, August 31, right after Ful Haus on GMA-7.


"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Salamat po sa inyong pakiki-celebrate n'yo sa amin!" ang magkaparehong sabi nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong Miyerkules ng gabi sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang kanilang Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout.

Punung-puno ng tao ang loob ng Araneta at madami pa ang nanghihingi ng tiket pero wala nang maibigay ang staff ng GMA-7.

Sa rest room ay may narinig ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mga fans na nagsabing..."nagbayad ako ng one thousand pesos para dun sa taong pumila para sa akin to get some tickets alang-alang kay Marian."

May narinig din kaming fan na nagsabing..."Kahit na may bayad ang ticket, willing kaming magbayad kahit one thousand or two thousand pesos para lang mapanood ang dance showdown nina Marian at Dingdong."

So, kahit pala hindi libre ang tiket na ipinamigay ay may mga gumastos din at yung iba naman ay talagang willing gumastos para lang sa kanilang idolo.

Sa opening number pa lang, kung saan pumapasok ang isang top-down Porsche na kotse at nakasakay sina Marian at Dingdong ay talagang tilian ang mga nasa audience that night.

Hunk na hunk at modelong-modelo ang dating ni Dingdong sa kanyang suot na Amerikanang itim kung kaya't deserving lang talaga itong mapasama sa listahan ng 25 most sexiest men in the world ng E! Entertainment Television sa Hollywood.

Bigay na bigay naman sa pag-indayog ng kanyang katawan si Marian Rivera sa mga dance moves na nagpakilig sa mga kalalakihan sa loob ng Big Dome.

Naiyak si Marian nung ipakita ang photo clips nila ng kanyang Spanish biological father. No doubt, na namana ni Marian ang kanyang kagandahan sa dad niya kaya tama lang na siya ang gumanap na Marimar noon at Dyesebel ngayon.

Nabusog ang lahat sa mga dance moves nina Dingdong at Marian plus nakasama pa nila ang marami sa kanilang Kapuso talents na nag-perform tulad nina Regine Velasquez, Ogie Alacasid (na birthday mismo ang gabing 'yon), Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, Paolo Contis, Jay-R, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Regine Tolentino, Dr. Hayden Kho, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa audience naman ang mga bigwigs ng GMA-7 headed by Ms. Wilma Galvante. Nakita rin ng PEP si German "Kuya Germs" Moreno, si Dra. Vicki Belo at ang Dyesebel director na si Bb. Joyce Bernal.

Mapapanood ang Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout ngayong Linggo, August 29, sa Sunday Night Box Office slot ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN