That's My Bae grand winner Kenneth Medrano happy to star in new show, Trops

IMAGE Noel Orsal

Hindi daw umaasa si Kenneth Earl Medrano na makakaarte siya sa telebisyon matapos manalo bilang grand winner ng "That's My Bae" ng Eat Bulaga noong nakaraang taon. Ngayon ay magbibida na sila sa Trops, ang pang-millenial na TV show na magsisimula sa October 24 bago mag-Eat Bulaga!



Lagpas isang taon na mula nang nanalo si Kenneth Earl Medrano bilang grand winner ng “That’s My Bae” ng Eat Bulaga!

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya na sa wakas ay mabigyan na rin siya pati na ang kanyang mga kasamahan sa “That’s My Bae” ng isang solo show, ang Trops.

Sabi ng 25-year-old Cebuano dancer, “Ay opo, sobra po. Kasi hindi ko rin po ito ini-expect lahat kasi yung expectations ko lang po ay doon lamang po ako sa Eat Bulaga.

“Na hindi na po ako lalabas na umaarte-arte [sa mga TV shows].”

Kahit naging bahagi na siya noon sa Buena Familia at sa magtatapos na Calle Siete, iba pa rin daw ang pakiramdam na magbida na talaga sila sa isang palabas para sa mga millenials.

Kuwento pa ni Kenneth, “Isa po akong emo guy dito po na nasaktan at nagmahal. Hinahangad ko rin po ang pagbabalik ng ex-girlfriend ko.”

Bukod kay Kenneth, kasama rin ang lima pang ibang Baes na sina Joel Palencia, Jon Timmons, Kim Last, Miggy Tolentino and Tommy Penaflor sa show.



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kenneth sa grand presscon ng Trops noong October 18 sa Racks Restaurant, Timog Quezon City.

PROUD CEBUANO FRIENDS. Ano ang mga nabago sa buhay niya simula nang mapasok niya ang mundo ng showbiz?

Tugon niya, “Hindi na po ako humihingi ng pera sa mommy ko at responsible na po ako sa sarili ko.”

Dagdag pa niya, ipinagmamalaki daw siya ng kanyang mga kaibigan sa Cebu sa kanyang narating ngayon.

“Lalo po silang na-proud sa akin kasi ako isang Cebuano, isang Bisaya po na pumunta dito sa Manila at nag-audition at hindi nag-i-expect ng lahat-lahat.

“Sabi nila sa akin dati na parang hindi ko raw kaya kasi ang layo ng Manila from Cebu, tapos yung mga hinahanap parang wala naman sa akin, pero ginagalingan ko naman po ang pagsayaw noon," lahad pa ni Kenneth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong mga expectations niya ngayon pagdating sa kanyang career?

Saad niya, "Nakuha ko na po lahat, e. Like ganito po, leading role sa isang teleserye tapos yung hindi mo in-expect na darating sa ‘yo. Ganun po.”

Mapapanood ang Trops simula Lunes, October 24, 11:30 ng umaga sa GMA, bago mag-Eat Bulaga!



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN