Toni Aquino downplays comparisons with her mom Ruby Rodriguez

IMAGE Allan Sancon



Tuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino.

Bahagi siya ng bagong daytime series ng GMA-7 na TROPS kasama ang all-male group na BAES na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino at Joel Palencia. Kasama rin nila ang newest female teen sensation na si Taki. Bahagi din ng morning series na ito ang mga batikang artista na sina Irma Adlawan, Ina Raymundo at Benjie Paras.

Sa October 18 press conference sa Racks Restaurant, Timog Avenue, ay nakapanayam ng PEP.ph si Toni tungkol sa TV show na TROPS na mapapanood simula October 24 (Lunes) at 11:30 AM bago ang Eat Bulaga! Ito ay produced ng TAPE, Inc.

Hindi ito ang unang beses na umarte si Toni sa telebisyon dahil naging bida na siya sa TV5 show titled Wattpad Presents Lala Laitera.

Ano ang magiging role mo dito sa bagong barkada teleserye ng GMA-7 na TROPS?

Toni: “I’m gonna play Joanna, isa akong barista sa campus caf na pagmamay-ari ni Mr. Benjie Paras and Tommy. Ako yung high school best friend ni Tommy na may crush sa kanya pero ayaw kong sabihin sa kanya bagkus ay humuhugot hugot na lang para mapansin niya.”

Okay lang ba sa ‘yo na kinukumpara ka sa mother mong si Rudy Rodriguez pagdating sa acting mo at pagiging komedyante?

Toni: “Okay lang naman po kasi my mom is a classic, she’s been in the industry for so long so parang okay lang naman po na i-compare ako sa kanya. Pero sana naman po ay huwag akong ilagay sa level niya, kasi walang wala talaga ako sa level niya, sobrang galing ni mama compared sa ‘kin, sobrang talented niyang actress, kaya nga I strive hard to make her proud. Pag may problema ako sa acting at di ko ma-gets yung line, I will always ask her and she gives me advice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-discourage ka ba ng mom mo from joining showbiz at sinabing stick to your studies na lang?

Toni: “No naman. She said if this is what you want to do, I will support you but do not let your studies down, so, I am working student. I’m a full time student at the same time nagte-taping din po ako. I’m a 2nd year student in UP Manila taking up B.A. Social Sciences.”

Ano ang advice na ibinibigay ng mom mo sa ‘yo pagdating sa acting career mo?

Toni: “Always listen to your director, if you have questions, do not be afraid to ask because they will always help you. Yun lang yung advice niya sa akin.”

How old are you now? Sa age mo ba ngayon ay pinagbabawalan ka pa ba ng mom mo na magka boyfriend?

Toni: “I am 18, hindi naman niya ako pinagbabawalang mag boyfriend. I have an open relationship with my mom.”

Kilala ang mom mo bilang magaling na komedyante, ikaw ba anong gusto mong makilala ka ng mga tao in terms of acting?

Toni: “Ako, I want them to know me as a very flexible actress, na kahit saan mo ako ilagay, mapa-drama at mapa-comedy or horror, kaya kong gawin. Pero as of now, they say na very bubbly daw ako at sobrang funny, which is okay lang naman to me, kasi gusto ko yung aura na makilala sa akin na very bright to inspire and encourage other people.”

Okay lang ba sa ‘yo na makilala bilang anak ni Ruby Rodriguez or gusto mong gumawa ng sarili mong pangalan sa showbiz industry?

Toni: “Okay naman sa akin na makilala ako bilang daughter ni Ruby Rodriguez pero sana other people know me as me, parang eto siya, anak siya ni Ruby pero eto siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino dito sa showbiz industry ang gusto mong makatrabaho pa?

Toni: “Nakatrabaho ko na kasi ang mom ko nung nag Wattpad Presents Lala Laitera ng TV5, I want to work with my mom again, pero kung may chance I want to work with Tita Pauleen Luna at Tito Vic Sotto, kasi super close po kami sa kanila, gusto ko silang maka-work kasi siguro sobrang saya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN