Glaiza de Castro talks about working with original Encantadia Sang'gres

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro (in photo) describes her experience working with original Sang'gres Sunshine Dizon and Diana Zubiri.



Lubus-lubos ang kasiyahan ni Glaiza de Castro sa magagandang balita at kaganapan sa kanilang primetime teleseryeng Encantadia ng GMA-7.

Extended ang kanilang programa hanggang 2017 at kasalukuyang pumapalo ito sa TV ratings, lalo pa’t mas mababa ang ratings nito kesa sa inasahan noong nagsimula.

“Rewarding po kasi matagal-tagal din kaming nag-struggle sa labanan [sa ratings].

“Pero nakakatuwa kasi sa kabila ng pagod, hirap, tension, stress na natatanggap namin, kumbaga parang it’s a relief na finally for the longest time for ilang years, may victory.”

ORIGINAL SANG’GRES. Pinag-usapan naman sa social media ang pagpasok ni Diana Zubiri sa teleserye bilang Lilasari.

Si Diana ang orihinal na gumanap bilang Danaya sa orihinal na Encantadia. Si Sanya Lopez ang kasalukuyang Danaya.

Kasama rin sa teleserye ang orihinal na Pirena na si Sunshine Dizon na gumaganap bilang si Adhara.

Kinamusta kay Glaiza ang pagkakaroon ng eksena kina Sunshine at Diana.

“Sa Encantadia hindi pa kami nagkakaeksena, pero magkakaeksena pa lang. Magtatapatan yung mga original [at bagong] Sang’gres,” sagot ng aktres.

Dugtong pa ni Glaiza nang pinapanood ang eksena nina Sunshine at Diana, “Nung pinapanood ko nga sila sa TV parang kinikilabutan ako. Tapos parang nostalgic yung pakiramdam, especially if you’re a fan.

“Nakakaiyak yung feeling na makita mo ulit after 10 years na magkasama. Kung pupuwede nga kumpleto sila.”

Ang tinutukoy ni Glaiza ay ang dalawa pang orihinal na Sang’gre na sina Iza Calzado na gumanap na Amihan at si Karylle na gumanap na Alena at parehong contract artists ng ABS-CBN.

Hindi pa man nakakaeksena, sinabi ni Glaiza na nakausap at nakasama na niya sina Diana at Sunshine sa set.

Hindi pa raw niya nakausap si Sunshine tungkol sa role na Pirena, ang papel na ginagampanan ni Glaiza na orihinal na ginampanan ni Sunshine.

“Nahihiya ako, e.

“Pero siya mismo nagkukuwento about sa mga experiences nila before about Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umaga na daw nagtatawanan na lang daw sila kahit wala nang rason.”

Pagdating naman daw kay Diana, “Si Ate Diana kasi nakatrabaho ko na siya before sa Asian Treasures.”

Ang Asian Treasures ay ang GMA-7 teleserye na pinagbidahan noon nina Angel Locsin at Robin Padilla.

Ipinagpapasalamat ni Glaiza na nakatrabaho niya ang ilan sa mga original cast ng Encantadia.

“Kasi siyempre iba pa rin na yung experience na nakakatrabaho mo yung unang gumanap.

“Just being onscreen together andami mo nang natututunan sa kanila.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN