Will Alfred Vargas make guest appearance in Encantadia?

IMAGE Rose Garcia

Quezon City District 5 Representative Alfred Vargas on possibility of guesting in Encantadia: "So far, wala pa namang finality yun. Very possible and kung ako naman ang tatanungin, I would love to, di ba?"

 



Aminado ang Quezon City District 5 Representative na si Alfred Vargas na kahit na abala siya sa mga gawain sa kanyang distrito ay hindi pa rin naman nawawala sa kanya ang pagiging artista.

Nami-miss din daw niya talaga ang showbiz, lalo na ang pag-arte.

“Nami-miss ko talaga.

“Nami-miss ko ang acting. Yun naman talaga ang passion ko.

“I haven’t done a project for three to four years.

“Yung Separados, yun na ang last ko,” pag-amin ni Alfred sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang get-together niya sa ilang entertainment press noong October 21 sa Ka Tunying’s Cafe, Timog, Quezon City.

May posibleng pang-Cinemalaya entry si Alfred sa 2017, ang Ang Guro Na Di Marunong Magbasa.

Kuwento niya, “A few months ago, nakatanggap ako ng script sa office, through a common friend.

“So nagpadala ng script si Direk Perry Escano, it’s a Cinemalaya entry for 2017.

“Noong nabasa ko ang script, it’s about a farmer in Mindanao who does not know how to read but pretends to be a teacher para mapigilan ang mga bata sa town nila na ma-recruit as child warrior.

“So ang ganda ng premise. Ang ganda ng plot. Exciting.

“And I think, kung gagawa man ako ng isang project after four years, ito na yun.

“So yun, nag-discuss kami ni Direk and very open naman siya sa mga ano natin.

“So today, I wanna announce that we’ll start shooting this November.”



WORKING WITH NEWBIE DIRECTOR. Sa isang banda, tinanong namin si Alfred kung bakit niya napiling first-time director ang magdirek ng kanyang comeback film.

Saad niya, “Well, I had good experiences lang with Cinemalaya.

“Before, I did Colorum, newbie director din yun.

“Tapos, yun namang kay GB Sampedro.

“So I think, because of the script, dun ako na-attract sa project.

“And I’m willing to risk it naman, may time and effort kasi, meron naman siyang short film na pinanood ko, maganda naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May blessing naman daw sa mga constituents niya kung gagawa man siya ng proyekto sa showbiz.

Sabi nga niya, “Nagpapaalam ako and every time naman, supportive sila.

“Actually, gusto nga nilang lahat.”

ENCANTADIA GUESTING? Sa telebisyon naman, nakatanggap daw siya ng tawag mula sa director ng Encantadia na si Direk Mark Reyes na makapag-guest din siya rito.

Si Alfred ang orihinal na Aquil na ginagampanan ngayon ni Rocco Nacino.

“So far, wala pa namang finality yun,” saad niya.

Pero posibleng mag-guest din siya sa Encantadia?

“Very possible and kung ako naman ang tatanungin, I would love to, di ba?

“Nakaka-miss kasi ang acting.

“Yung first term ko as Congressman, I made sure na hindi ako tatanggap kahit na ano.

“Kasi, I want to learn the ropes, the system. Pero now, medyo kabisado na natin.

“I think, kaya naman. One movie and one teleserye a year and nothing more,” paninigurado niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN