Jake Ejercito on doing Lenten special: "Takot na takot talaga ako sa AlDub Nation kasi possessive sila."

IMAGE Allan Sancon



Hindi inaasahan ni Jake Ejercito ang pagwawagi niya bilang New Male TV Personality sa Star Awards for Television.

Kinilala siya sa M-TV Awards (8th Star Awards for Music Pays Tribute to the 30th Star Awards for Television) para sa Lenten special ng Eat Bulaga titled God Gave Me You.
 
(Read: Jake Ejercito gets teased by Alex Gonzaga; Claudine, Maricel grace Star Awards 2016)

(To view complete list of winners, click: Jennylyn shares stage with ex-boyfriend Luis at 2016 Star Awards for TV and Music)
 


Nakangiti niyang reaksiyon, “Very unexpected and unbelievable kasi alam naman ng lahat na na-pressure talaga ako, natakot talaga ako doing…

“Lalo na yung God Gave Me You, takot na takot talaga ako sa AlDub Nation kasi possessive sila.

“Ngayon, nagpapasalamat ako sa PMPC [Philippine Movie Press Club] kasi ni-recognize nila kahit napaka-iksi at very simple lang yung role ko.”

Sa kabila nito, malabo pa raw lumabas uli sa teleserye o pelikula si Jake.

Paliwanag niya, “Actually, yeah, kasi based po ako sa Singapore until August next year for my masteral, hanggang August po next year.

“Siguro tatapusin ko lang and then we’ll see… eventually…”

Natatawa raw si Jake sa mga nagsasabing nasa dugo niya ang pag-arte na minana niya sa kanyang mga magulang na sina Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

Natatawang pahayag niya, “Yun nga ang sinasabi nila na it’s in the blood.

“Pero nong ginawa ko yung God Gave Me You, parang hindi lumalabas!
Dagdag niya, “Hindi ko naman hinahanap, pero kung may opportunity, I will take it as a challenge.

“Itsa-challenge ko na lang ang sarili ko.”


(To view complete list of winners, click: Jennylyn shares stage with ex-boyfriend Luis at 2016 Star Awards for TV and Music)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN