Anne Curtis to Angel Locsin: "Sana tayo naman ang magka-movie."

IMAGE Mark Nicdao via Anne's Instagram

Anne Curtis hopes to do a movie with Angel Locsin. The two worked together way back in 2011 for the GMA-7 teleserye Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin. 



Ipinromote nina Anne Curtis at Angel Locsin ang kanilang mga pelikula na parehong showing ngayon sa mga sinehan.

Naunang ipinalabas ang pelikula ni Angel na The Third Party (October 12) kasama sina Zanjoe Marudo at Sam Milby, samantalang nagsimulang ipalabas sa mga sinehan ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend (October 19) ni Anne kasama si Paolo Ballesteros at Dennis Trillo.

Kasalukuyan pa ring ipinalalabas sa mga sinehan ang dalawang pelikula.

Sa kani-kaniyang Instagram account, ipinost nina Angel at Anne ang larawan nilang magkasama sa isang pinagsamahang pictorial noon na kuha ng photographer na si Mark Nicdao.

Pareho pang ipinromote ng dalawa ang kanilang mga pelikula na pinagsama ang mga titulo sa ginawang hashtag: #BakitLahatNgGwapoMayThirdParty #BakitLahatNgMayThirdPartyGwapo #AnnGel.

Pawang may pagkakapareho ang tema ng kanilang mga pelikula na nagkakagusto sa lalaking gay.

#BakitLahatNgMayTHIRDPARTYgwapo now showing ???? love you Anita! ???? ???? by @markednicdao

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


Nag-comment din si Anne sa post ni Angel.


Samantala sa post ni Anne, sinabi rin niya na sana ay magkasama sila ni Angel sa isang pelikula.


Hindi pa nagkakasama sina Anne at Angel sa isang pelikula, pero nagkatrabaho na sila sa GMA-7 teleserye na Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin noong 2011 na pinagbidahan nina Richard Gomez, Alice Dixson, at Christopher de Leon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN