Kiko Estrada endures torture scenes at the hands of Rafael Rosell



Pinost ng GMA-7 actor na si Kiko Estrada sa kanyang Instagram account ang mga kinunang behind-the-scene ng torture scene niya para sa madugong finale ng pinagbidahang afternoon teleserye na Sinungaling Mong Puso.

Nakakatuwa ang mga captions ni Kiko sa naturang mga eksena.

May isang photo na ang caption niya ay “Just hanging…” kunsaan kasama niya ang mga nagpapahirap sa kanya na sina Rafael Rosell at Gab de Leon.

May isa pa na ang caption niya ay “Bloody mess #SinungalingMong Puso”

Magtatapos na ngayong Biyernes ang naturang teleserye at abot langit ang pasasalamat ni Kiko dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapatunayan ang kanyang pagiging aktor.

Ayon sa aktor, unforgettable ang pagganap niya bilang Jason sa naturang teleserye at nagpapasalamat siya sa kanilang direktor na si Ricky Davao na tinutukan ng husto ang bawat eksena na gawin niya.

“Actually, hindi ko inaasahan ito na people will see my growth as an actor.

“Wala naman akong ibang pasasalamatan dito kung hindi yung mga co-actors ko and si Direk Ricky.

“If not with them, with their assistance tuwing taping, hindi ako makakagawa ng ganun ka-ayos na mga eksena,” pahayag pa ni Kiko nang makapanayam namin siya noong October 21 sa GMA Network Center.

Pakiramdam ni Kiko na after Sinungaling Mong Puso ay kaya na niyang gampanan ang iba pang mahihirap na roles.

Open na raw siya sa mga challenging roles na susubok sa kanyang kakayahan bilang isang aktor.

“Mga complex roles na ang hanap ng katawan ko ngayon.

“After what I did in Sinungaling Mong Puso, naramdaman ko ang pagiging aktor ko.

“Doon siya talaga lumabas and I want to continue on doing challenging roles.

“Ramdam ko pa rin ang adrenaline, e. Kailangan tuluy-tuloy lang ito,” ngiti pa niya.

Pangarap ni Kiko na manalo ng acting award balang-araw. Kaya welcome sa kanya ang mga mabibigat at mahihirap na mga TV or movie roles.

“Lagi ko naman sinasabi na dream ko na manalo ng best actor award balang-araw.

“I want to challenge myself para ma-achieve ko yon.

“It may take some time para fully akong ma-recognize, but I know that day will come and I will be proud to say that I am an actor,” pagtapos pa ni Kiko Estrada.









ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN