Rochelle Pangilinan, Sexbomb Girls reunite at wake of Daisy Siete director

IMAGE From Instagram account of Rochelle Pangilinan



Matagal na hindi nagkasama-sama ang buong cast ng afternoon series na Daisy Siete noong namaalam ito sa ere noong 2010.

Pero nagkaroon ng biglaang reunion ang Sexbomb Girls noong nakaraang October 26 dahil sa pagpanaw ng pinakamamahal nilang direktor sa Daisy Siete na si Direk Ruel Ikamen.

Sa Instagram account ni Rochelle Pangilinan, pinost niya ang naging instant reunion nila ng mga kasamahan niya sa Daisy Siete, kasama na ang former manager at producer ng show na si Joy Cancio, at nagsama-sama sila para sa pagdamay sa pamilya ng pumanaw na si Direk Ruel.

Si Rochelle ang isa sa original Sexbomb Dancers at nagsilbing leader ng kanilang grupo. Una rin siyang nagkaroon ng solo career.

“DAISY SIETE reunion! masaya talaga pagkatapos ng ilang taon ay tayo'y nagkita kita,malungkot lang dahil sa wala na si Direk Roel, ganun pa man alam kong masaya sya dahil nakita nya tayo,at nakita niya na maraming nagmamahal sa kanya,” caption pa ng Encantadia star.

Nag-post din ang isa pang Sexbomb Girl na si Jopay Paguia-Zamora sa kanyang Instagram para sa pasasalamat niya sa yumaong direktor.

“Ito ang Daisy Siete family ko at kasama ka dun direk ruel, isa ka sa mga direktor na tinitingala ko sa industriya ng showbiz.

“Maraming salamat direk dahil ang dami kong natutunan syo lalo na pag dating sa pag acting at syempre sa pagiging isang mabuting tao.

“Ang aming direktor na kalmado lang palagi sa set kumbaga CHILL lang.
“Paalam Direk Ruel, mamimis ka namin," caption pa ni Jopay.

Isa sa top-rating afternoon shows ang Daisy Siete noong una itong umere noong 2003 sa GMA-7.

Sa naturang show sumikat ng husto ang Sexbomb Girls na unang kinaaliwan at nakilala sa noontime show na Eat Bulaga.

Ang Daisy Siete ang naging training ground nila para sa pag-arte sa telebisyon.

Mula 2003 hanggang 2010, umabot sa 26 seasons ang Daisy Siete.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN