Maricel Laxa-Pangilinan explains why she hesitates to make teleserye comeback

IMAGE @mommymaricel and @donny_pangilinan on Instagram

Maricel Laxa-Pangilinan (shown with son Donny) explains why she doesn't feel right about accepting heavy drama roles these days: "Saka kung comedy series or something, ayaw ko nang umiyak. I don't wanna have a reason to cry. I'm just in a place that is good and I wanna inspire people. And that part of me na stage ng buhay ko na malungkot, ayoko na."



Alinlangan pa rin sa kanyang pagbabalik-teleserye ang dating '90s movie actress na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Paliwanag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa dahilan niya, “Hindi sa ayaw ko. Yung requirements ng job, hindi ko na kaya.

“Kasi yung puyat. Kasi nagta-triathlon kami, nagma-marathons.

“Then, ako talaga yung driver ng mga anak ko. So, yun ang priority ko.

“Pag hindi ko yun magagawa, parang I miss out, e.

“Ang bilis nilang lumaki. Parang yung joy ko lang na nandoon talaga ako na first na pag-uwi nila.

“Bago sila pumasok. Kasi whole day na sila sa school.

“Napaka-precious nila.”

Lima ang anak ni Maricel na may mga edad na 20, 18, 17, 15 at 5.

Ito ay sina Ella, Donny, Benjamin, Solana at Hannah.

FAMILY FIRST. Sinadya raw ni Maricel na unti-unting magpahinga mula sa showbiz.

Rason niya, “Ang dream ko kasi paglaki ko, maging asawa at maging nanay.

“So, sabi nga ni Anthony, 'Hindi ko alam yun ah? Bakit hindi ka na mag-showbiz? Sayang.'

“Sabi ko, hindi naman sa ayaw, dahil noong pumasok ako sa showbiz, parang wala akong pahinga.

“Alam mo bang in three years, 20 films ang ginawa ko?

“Hindi pa kasama doon yung guestings, mga production numbers, photo shoots, endorsements.

“Pelikula, TV shows, telenovela. Parang walang rest.

“Pero super enjoy na walang kapaguran. Thankful ako.

“Kaya lang nung nag-asawa na ako, I really wanted that life.

“And parang nakikita ko na the only way na super mai-enjoy ko is pag nandun talaga ako.

“Hindi naman ako nagsisi kasi twenty three years na kami ni Anthony.

“And I’m completely not naman out of showbiz.

“I’m somewhat there and I have yung new platform na social media.

“And then I will launch yung YouTube channel which I produce about mommies and it’s called ‘Mommy Minute.’

“So, one minute lang na Mommy Tips. Because that’s all the time that you have, then I’ll give you a minute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then you go about your day na.”

RIGHT TIMING. Ayon pa rin kay Maricel, nanghihinayang ang kanyang mister sa kanyang talent kaya nais rin nitong bumalik siya sa acting.

Sabi naman ni Maricel, “Ako naman, I think seasons lang naman yan.

“I’m not completely sold to the fact na zero yung chance para bumalik ako.

“It’s just a matter of timing, right project at yung season sa buhay ko.”

Marami na raw tinanggihang offers si Maricel.

Lahad niya, “Nahihiya na nga ako at naiisip nila ako pero yung three times a week, tapos yung puyatan, hindi ko naman magagawang mag-commit doon.

“Kasi pag may biglang sinabi na may kailangan sa school yung mga bata, may kailangan yung mga anak ko, hindi ko naman matatalikuran.

“It’s better na priority ko muna yung pamilya ko.

“Marami sa ABS-CBN talaga [na tinanggihan niya].”

DREAM PROJECTS. Anong acting projects ang puwedeng makapagpabalik kay Maricel sa mainstream?

Ayon kay Maricel, “Paminsan-minsan pag tinatawagan ako nina Direk Peque [Gallaga], Direk Lore [Reyes] o Direk Joey [Reyes], napapatalon ako niyan.

“Hindi ako nagdadalawang isip pag mga ganyan, kasi alam ko na yung style nilang magtrabaho.

“Alam ko na yung mga schedule nila, yung mga works and everything at saka yung lalim ng proyekto.

“Pag mga ganyan, hindi ko na pinagiisipan yan. Saka kung movie 'yan, hindi naman matagalan 'yan.

“Saka kung comedy series or something, ayaw ko nang umiyak.

“I don’t wanna have a reason to cry. I’m just in a place that is good and I wanna inspire people.

“And that part of me na stage ng buhay ko na malungkot, ayoko na.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricel sa media launch ng “Be A Wall Against Dengue” anti-dengue awareness and prevention campaign ng Sanofi.

Ginanap ang launch sa Monet Ballroom ng Novotel Hotel noong October 25 kunsaan naroon din ang mga kapwa celebrity endorsers ni Maricel na sina Christine Bersola-Babao at Paolo Abrera.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN