Bianca Umali optimistic about being leading lady in Mulawin remake: "Kine-claim ko na po!"

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali jokingly claims her 'rightful role' as Miguel Tanfelix's love team partner, should he be cast in GMA-7's Mulawin remake: "Siyempre, sino pa po ba ang magiging leading lady niya?"



Tinanong namin si Bianca Umali kung ano ang nararamdaman niya kapag maraming nagsasabing siya ang maituturing na isa sa mga prinsesa ng GMA Network.

Sa nalalapit na panahon ay mukhang in-line siya sa trono bilang important o prime female actress ng Kapuso network.

Lahad niya, “Well, ako po, I always say thank you and when they ask how I feel, kung tatanungin niyo po kung ano ang napi-feel ko, well, blessed talaga.

“It’s the best word to describe.

“Actually, sa lahat po ng meron ako ngayon, talagang blessed, kasi hindi ko naman po akalain na makakarating ako kung nasaan ko ngayon.

“And sabi niyo nga po, nakikita po nila ako bilang isa sa mga princesses ng GMA and thankful ako dun.

“Kasi ang dami-dami pa pong ibang mga katulad ko na gustung-gustong makarating sa kung nasaan ako ngayon, but then ako po, nabigyan na po ako ng chance, kaya nandito na rin po ako.

“So yun, very thankful.

“And sana po mabigyan ko ng justice 'yan, na sana hindi ko sila ma-disappoint sa expectations nila sa akin.

“Ginagawa ko naman yung best ko.”

ISMOL FAMILY GOESS OFF-AIR. Magkahalong emosyon ng lungkot at saya ang nararamdaman ni Bianca sa nalalapit na pagtatapos ng Ismol Family.

Hanggang November na lang eere sa GMA ang naturang show nina Ryan Agoncillo, Carla Abellana, Mikael Daez, Carmi Martin, Miguel Tanfelix, at Bianca.

Pag-amin ni Bianca, “Malungkot po, kasi nasanay kami na lagi kaming magkakasama sa taping, and yun pong show is tumagal ng two and a half years.

“Mami-miss po namin ang bawat isa, kasi po para na po talaga kaming isang malaking pamilya sa show.

“Pero masaya rin po kasi sa two and a half years, napasaya po namin ang mga Kapuso natin na nanonood ng Ismol Family tuwing Linggo.”

WORKING AGAIN WITH MIGUEL SOON? Mami-miss ba niya si Miguel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin po, kasi sigurado naman po na magkakasama kami ulit sa mga next shows ng GMA,” at tumawa si Bianca.

Walang namamagitan kina Bianca at Miguel na relasyon bilang magkasintahan pero aminado si Bianca na may love sa pagitan nilang dalawa.

“May love po, yes!

“Kasi, well, iba po kasi yung pinagsamahan namin talaga, sobrang lalim na po.

“Pero yung love bilang kaibigan and bilang taong masarap kasama, love na bilang masarap katrabaho. Ganun po.

“Love na loveteam,” paglinaw niya tungkol sa kanilang BiGuel love team.

CRUSHES. Eighteen pa lang si Miguel. Pero kapag dumating kaya ang panahon na magseryoso ito sa pagwu-workout at tuluyang magka-abs na, ikatutuwa ba iyon ni Bianca?

“Naku, hindi ko po alam!

“Hindi po ako attracted sa abs,” at tumawa si Bianca.

May crush ba si Bianca?

“Si Miguel,” at tumawa siyang muli.

“Sa Hollywood, si Johnny Depp, nung mga batang days niya pa po.”

ON SOCIAL MEDIA. Natanong naman namin si Bianca kung gaano kahalaga sa kanya ang social media bilang artista at bilang kabataan?

“Well, kasi sa panahon po talaga natin ngayon, napakalaking bagay ang social media sa buhay po natin.

“Actually, kahit sa government, talagang they use social media na rin to communicate to the people, e.

“For me din, for us ding mga artista, malaking bagay ang social media.

“Kasi thru this, nagagamit po natin ang power ng social media para makipag-communicate and makipag-interact sa mga fans namin,” paliwanag niya.

Kung may kabutihan, may masamang parte rin ang social media, tulad ng mga bashers.

“Yes,” at tumawa si Bianca.

DEALING WITH BASHERS. Ano na ang pinakamasamang pamba-bash na naranasan niya?

Kuwento niya, “May one time, pero matagal na naman po ito, meron pong account na anti-Bianca Umali tapos po… naku, below-the-belt po yung mga sinasabi nila.

“Malandi si Bianca Umali, na si Bianca Umali pumapatol sa keme-keme, na yung keme ni Bianca Umali, keme-keme, ganun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw ideya si Bianca kung sino ang mga namba-bash sa kanya.

Patuloy ni Bianca, “Well, actually, hindi ko naman po pinansin, hindi ko na rin po inalam.

“Lahat naman po ng bashers talaga, dine-deadma ko na lang.

“Meron po talagang sometimes na kapag napi-feel ko… hindi po siya pikon, e.

“Kasi pag paulit-ulit-ulit-ulit… paano bang pagsagot? Kumbaga sinasabi ko lang na, ‘Hi!’

“Para lang alam nila na nakikita ko yung mga sinasabi nila sa akin.

“Yun lang po, pero hindi ko sinasagot yung mga sinasabi nila.

“Not at all. Tsaka ang gusto lang din naman nila yung mapansin sila, that’s why they do that, e.”

MULAWIN REMAKE. Nais ni Miguel na maging bida sa remake ng Mulawin.

Ganun ba ang saloobin ni Bianca?

“Siyempre, sino pa po ba ang magiging leading lady niya?” at tumawa si Bianca.

“Kine-claim ko na po,” at muling tumawa si Bianca.

“Kine-claim ko na po, sorry!”

Paborito raw ni Bianca noon ang Mulawin na pinagbidahan nina Richard Gutierrez (bilang Aguiluz) at Angel Locsin (bilang Alwina) at kunsaan gumanap si Miguel (na child star pa noon) bilang si Pagaspas.

“Super-favorite ko po yun noon, as in nagkukunwari akong lumilipad ako, tapos ang isa po sa mga naging Halloween costumes ko Mulawin costume.

“Gusto ko pong maging si Alwina kaso sa kasamaang-palad, na-out of stock yung Alwina costume, so naging Ravena po ako.”

Kalaban ng mga Mulawin ang mga Ravena.

“Ilang taon lang ba ako noon, five or six?”

“Pero hindi ko po kilala noon si Pagaspas,” at muling tumawa si Bianca.

Sino ang mag-aakala na magiging bahagi pala ng buhay ni Bianca si Miguel.

“Si Pagaspas,” at muling tumawa si Bianca.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN