Fil-Malaysian co-production "Kahit Isang Saglit" airs Sept 15


Jericho Rosales and Malaysian actress Carmen Soo star in the teleserye Kahit Isang Saglit, a regional soap opera co-produced by Star Cinema and Malaysian company Double Vision.



Mula sa tentative title na A Time for Us, naging Kahit Isang Saglit ang titulo ng kauna-unahang regional soap opera at unang venture ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, at ang Malaysian company na Double Vision.

Mapapanood na sa September 15 ang seryeng pinagbibidahan nina Jericho Rosales at ng sikat na Malaysian actresss na si Carmen Soo, na tinatampukan din ng mga batikang actors tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez at ang bagong ABS-CBN contract star na si Cristine Reyes.

Bagay na bagay daw sina Echo at Carmen, ang Malaysian actress na pinagselosan ni Heart Evangelista at sinasabing dahilan kung bakit nagbreak sila ni Echo.

Direk Jerry Sineneng took over the directorial job after its original director Gilbert Perez had a stroke that led to his untimely demise. Kahit Isang Saglit follows other noteworthy Kapamilya teleseryes such as Maging Sino Ka Man, Lobo, Sana'y Wala Nang Wakas and Pangako Sa Iyo.

Kahit Isang Saglit is a love story na 30 per cent action at 70 percent drama. Bukod sa kinunan ito sa mga magagandang lugar sa Malaysia, nag-shooting din ang cast sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas, kabilang ang Banaue sa Mountain Province.

Matapos mag-shoot sa Malaysia, maraming magagandang eksenang kinunan dito sa Pilipinas. Dumating dito sa bansa ang Malaysian actress na si Carmen para sa additional sequences na kailangan sa series.

Bukod dito, magkakaroon sila ng series of mall shows ni Echo para i-promote ang Kahit Isang Saglit na ipapalabas na rin sa Malaysia, dalawang linggo matapos itong mag-premiere dito sa Pilipinas.

Maganda rin ang experience ng production team working with Direk Jerry Sineneng. Ayon sa isang source, hindi raw maramot si Direk Jerry na magbahagi ng kanyang knowledge sa mga kasama niya sa trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN