Hashtags member Paulo Angeles admits tampuhan within their group

IMAGE Starmagicball.com

Hashtags member Paulo Angeles admits being overwhelmed by the group's success, despite having been formed only last year: "Hindi ko ini-expect na ganun yung magiging takbo ng Hashtags. Lalo na yung concert, hindi ko ini-expect na magkakaroon agad kami ng concert."

 


Noong October 27 ay birthday ni Paulo Angeles, isa sa members ng all-male group na Hashtags na regular mainstay sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Pero wala siyang naging showbiz party.

Nag-dinner lang sila ng pamilya niya kasama ang ilang non-showbiz friends.

“Sa U.P. Town Center po kami nag-dinner.

“Medyo late dinner na nga po yun kasi nanggaling pa ako sa It’s Showtime.

Nag-reherease pa po kami para sa production number namin kinabukasan,” sabi ni Paulo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa post-birthday party niya na in-organize ng kanyang mga fans, ang Paulo Believers Forever.

Ang birthday wish ni Paulo ay magtagal pa ang grupo nilang Hashtags at gumanda pa ang takbo ng kanyang career .

Ang Hashtags ay ni-launch sa It’s Showtime noong November ng nakaraang taon.

Wala pang isang taon ang grupo pero mabilis silang nakilala at naging in-demand.

Nakagawa na agad sila ng album mula sa Star Music titled Road Trip at nagkaroon din agad sila ng major concert na ginanap nung September 14, 2016 sa Kia Theater sa Cubao billed as Hashtags: Roadtrip Concert.

UNEXPECTED SUCCESS. Masaya si Paulo sa magandang nangyayari sa grupo nila kahit wala pa nga silang isang taon sa showbiz.

Pero inamin din niyang nabigla siya sa bigla nilang pagsikat.

Pag-amin niya, “Kasi hindi ko rin ini-expect na ganun, kasi sa buhay ko hindi ako nag-i-expect masyado.

“Hindi ko ini-expect na ganun yung magiging takbo ng Hashtags.

“Lalo na yung concert, hindi ko ini-expect na magkakaroon agad kami ng concert.”

PETTY QUARRELS. Sa bawat grupo, dumarating yung time na nagkakatampuhan ang bawat miyembro. Aminado si Paulo na sila ay nagkakatampuhan din.

“Kung ang mga magkakapatid nga nagkakatampuhan, ako minsan nagtatampo sa mga kapatid ko, kami pa kaya sa grupo?

“Pero alam mo yun, at the end of the day, kami-kami pa rin yung magkakasama at magtutulungan. Normal lang yung tampuhan,” lahad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO JEALOUSY. Sa kanilang grupo, masasabing tila mas nabibigyan ng pansin ang mga solo careers nina McCoy de Leon at Ronnie Alonte.

Si McCoy ay nagbida na sa isang episode ng Wansapanataym.

Si Ronnie rin ay nagibida naman sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, bukod pa sa nagkaroon na ito ng solo concert sa Kia Theater.

Wala ba siyang nararamdamang kahit konting inggit kina McCoy at Ronnie?

“Hindi ko alam kung ano yung nasa loob nila.

“Pero para sa akin kasi, sobrang happy ako kay McCoy. Sobrang close ko kasi si McCoy.

"Tsaka si Ronnie pala.

“Yung dalawang 'yan, sobrang lapit sa akin.

“Kapag may problema sila, napansin ko na tahimik sila, kinakausap ko sila. Sinasabi ko sa kanila, kaya nila yun,”

Sa Hashtags ba, kina McCoy at Ronnie lang siya close?

“Pati rin kina Ryle [Santiago] at Jameson [Blake].

“Halos lahat naman sila nakaka-mingle ko.

“Kasi magaling naman akong maki-mingle.

“Kahit anong ugali pa ng isang tao, kaya kong sakyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN