Analyn Barro plays third wheel to Derrick Monasterio-Bea Binene love team in Tsuperhero

Former StarStruck 6 Avenger Analyn Barro reveals her apprehension about playing the third wheel to Derrick Monasterio and Bea Binene's love team in the new Kapuso fantaserye Tsuperhero: "Pero siyempre, nandoon ang kaba ko na baka may mga magalit sa aking fans ng DerBea. Ayoko pong ma-bash o magkaroon ng haters sa social media. Gusto kong maging friends ang mga fans ng DerBea."

 



Ang bagong GMA-7 actress na si Analyn Barro ang ka-love triangle ng love team nina Derrick Monasterio at Bea Binene (DerBea) sa weekly comedy-adventure series ng GMA-7 na Tsuperhero.

Si Analyn ay produkto ng reality artista search show na StarStruck 6.

Kinabahan nga raw ang baguhang aktres noong sabihin sa kanya na siya ang magiging other girl sa Tsuperhero.

Alam kasi ni Analyn na maraming fans ang DerBea at baka may nga magalit sa kanya.

“Yun po ang una kong naisip.

“Kasi napapanood ko sila Derrick and Bea noon pa sa Tween Hearts. Tapos sa Vampire Ang Daddy Ko hanggang sa teleserye nila na Hanggang Makita Kang Muli.

“Natuwa naman po ako noong sabihin sa akin na makakasama ako sa Tsuperhero.

“Role ko ay isang probinsyana na magkakaroon ng crush kay Tsuperhero. Si Bea naman po ay magkakagusto sa alter-ego ni Tsuperhero na si Nonoy.

“Pero siyempre, nandoon ang kaba ko na baka may mga magalit sa aking fans ng DerBea.

“Ayoko pong ma-bash o magkaroon ng haters sa social media.

“Gusto kong maging friends ang mga fans ng DerBea.

“Sa totoo lang po, fan ako ng DerBea at malaking opportunity itong binigay sa akin ng GMA-7 right after na sumali ako ng StarStruck,” pahayag pa ni Analyn sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Tsuperhero kamakailan.

EVENTFUL AUDITION. Taga-Ormoc City si Analyn at nakatuwaan lang daw ng kanyang barkada na mag-audition noon para sa StarStruck.

“Nag-aaral po kasi ako sa Bacolod noong biglang magkaroon ng auditions for StarStruck last year.

“Sa SM Bacolod po iyon.

“Parang wala lang, nakatuwaan lang namin ng mga friends ko na mag-audition.

“Wala kasi kaming magawa noong araw na iyon.

“Apat kaming nagpa-audition that day. Talagang pumila kami.

“Pero wala anumang expectations na matatanggap kami. For fun lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isang friend ko, siya ang gustung-gusto makapasok.

“Ako okay lang na hindi kasi naka-focus ako sa studies ko,” kuwento niya.

RELUCTANT STAR. Pero laking gulat ni Analyn na bigla siyang tinawagan para sa call-back audition ng StarStruck pagkatapos ng ilang buwan.

“Nagulat ako kasi noong ako na nag-audition, wala naman akong pinakitang talent talaga.

“Nag-modeling lang ako kasi iyon lang ang alam ko.

“Hindi talaga ako nag-prepare kasi katuwaan lang talaga iyon.

“Tapos, noong mag-call back, dalawa kaming pinabalik.

“Hindi rin ako naghanda.

“Lahat ng mga nakasabay ko naka-makeup at may mga dalang mga sapatos at damit.

“Ako walang ayos talaga.

“No make-up at wala akong dalang high heels.

“Parang nagising lang daw ako tapos dumiretso na sa mall!” natatawang pag-alala pa ni Analyn.

Pagkatapos ng ilang linggo ay magandang balita ang natanggap ni Analyn.

“After a few weeks, may tumawag at sinabing mag-impake na ako at pupunta na ako ng Manila for the final round ng StarStruck.

“Parang imposible talaga dahil ako yung walang interes at all. Pero heto sinuwerte lang siguro ako.

“Sabi nga nila, baka it was meant to be na maging artista ako.

“Ako naman, nagdasal na lang ako na kung papalarin akong manalo sa StarStruck, magandang blessing iyon.

“Kung hindi naman po, at least I gave it a try at malayu-layo rin ang naabot ko,” ngiti pa niya.

CONQUERING HER WEAKNESS. Nakasama si Analyn sa Top 14 finalists, pero na-eliminate siya sa ika-7 week ng contest.

“I was eliminated during the comedy challenge.

“Nag-perform kami ng short skit sa Bubble Gang.

“Ako raw po yung weakest among the contestants that week. Parang kulang daw ako sa timing.

“Pero heto nilagay nila ako sa isang comedy show.

“Kaya parang gusto kong bumawi dahil sa comedy ako pumalpak.

“So far po, okay naman na ang timing ko sa comedy. May puntong Ilonggo ang role ko kaya mas naka-add iyon sa character ko,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Tsuperhero, lumabas na rin si Analyn sa ibang shows ng GMA-7 tulad ng Once Again, A1 Ko Sa ‘Yo, Maynila at Oh, My Mama!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN