"Una Kang Naging Akin" stars discuss how they do TV remakes

by Grace Ann Bahia
Sep 1, 2008
(From left) Maxene Magalona, Wendell Ramos, and Angelika dela Cruz form a love triangle in GMA-7's Una Kang Naging Akin. Who has the right to be the guy's partner--the first girlfriend or the first wife?


Magkaiba ng paniniwala sina Angelika de la Cruz at Wendell Ramos pagdating sa pag-atake sa mga character na hindi sila ang unang gumanap. Angelika reprised Hilda Koronel's scheming Via sa katatapos na primetime TV remake ng Babangon Ako't Dudurugin Kita. "Kapag gumagawa ako ng remakes, I make sure na pinapanood ko yung original version para alam ko how I would make my approach different," lahad ng aktres who is on her second GMA project sa kanyang pagbabalik-Kapuso.

Magkasama sila ng award-winning actor na si Wendell Ramos (Hubog and Sabel, both under Joel Lamangan's direction) sa TV remake ng Una Kang Naging Akin, ang ikasampung handog ng Sine Novela afternoon series. They've worked together many years back sa youth series na Campus Romance. "Pero teeny-bopper pa ang roles namin dun," ani Angelika.

Unlike Angelika, Wendell refrains from watching the original movie. "Para wala akong idea kung paano gawin yung role."

Inspired by the 1991 Viva movie of the same title na pinamahalaan ng batikang aktres-direktora na si Laurice Guillen, Una Kang Naging Akin revolves around the eternal love triangle.

Continue reading below ↓

BUOD. Nakatakda nang ikasal ang kapwa anak-mayamang sina Nick Soriano III (Wendell) at Vanessa Yumul (Angelika), the latter an art connoisseur. However, Nick figures in a helicopter crash, which he survives. Magkakaroon ng amnesia si Nick at makikilala siya bilang si Darwin. Mapupunta siya sa isang liblib na isla kung saan siya kukupkupin ng marine biologist na si Dr. Modesto Mallari (Ricardo Cepeda). Dito magku-krus ang mga landas nila ni Jessa (Maxene Magalona), isang painter at anak ni Dr. Mallari. Magbubunga ng isang anak ang kanilang pag-iibigan. Pero paano kung magbalik ang memorya ni Nick/Darwin? Sino sa dalawang babae sa buhay niya ang may karapatang magsabing "una kang naging akin"?

Ang Una Kang Naging Akin ang hudyat ng pagpasok ni Maxene sa serious acting. Her first big project with GMA was Kamandag kung saan isa siya sa leading ladies ni Richard Gutierrez. Kabado si Maxene sa kanyang first mature role at pagsabak sa mga love scenes at kissing scenes. "Nakunan na po yung love scenes at kissing scenes. First real kissing scenes ever," balita ng pretty daughter ng rapper-TV host na si Francis Magalona. Nakatulong na magkaibigan ang daddy ni Maxene at si Wendell na kapareha niya sa nabanggit na delicate scenes. "Very comfortable ako with Wendell. Everyone was understanding. One day lang kinunan yung kissing scenes at love scenes."

Continue reading below ↓

Bagong hamon para sa direktor nila na si Joel Lamangan ang bago niyang TV project na ito. "Maxene is a challenge. I've worked with Angelika in Babangon and she's a good actress. Si Wendell I've worked with him twice (Sabel, Hubog) at pareho siyang nanalo ng award sa mga pelikulang yun."

WORKAHOLIC FRANCIS M. Hindi maiiwasang ungkatin kay Maxene ang present condition ng kanyang amang si Francis Magalona na kailan lang ay na-diagnose with leukemia. Naka-confine pa raw ito sa Medical City but his condition is not enough to prevent Maxene's workaholic dad from writing songs and catching up on his reading even while in the hospital. "Hindi siya sanay na maging idle, e," ani Maxene. "Napaka-positive ng pagtanggap niya sa sakit niya." Hindi ikinakaila ni Maxene na minsan nahihirapan siyang umiyak sa mga dramatic scenes sa soap. "Hindi dahil sa wala akong paghuhugutan ng emosyon kundi dahil distracted ako. Hindi mo maiiwasang mag-alala ako sa Dad ko."

Continue reading below ↓

Mapapanood ang Sine Novela Presents Una Kang Naging Akin sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Maxene Magalona, Wendell Ramos, and Angelika dela Cruz form a love triangle in GMA-7's Una Kang Naging Akin. Who has the right to be the guy's partner--the first girlfriend or the first wife?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results