Aljur Abrenica happy for brother Vin Abrenica's transfer to ABS-CBN

IMAGE Mark Atienza

Masaya si Aljur Abrenica (left) para sa kanyang kapatid na si Vin Abrenica (right) na natupad na ang pangarap nitong makalipat sa ABS-CBN. Nalungkot naman siya sa hindi pagkapasok sa audition ng Pinoy Boyband Superstar ng kanilang bunsong si Allen Abrenica.



Taliwas sa napapabalita, hindi si Aljur Abrenica ang napunta sa ABS-CBN, kundi ang kapatid nitong si Vin Abrenica.

Read: New Kapamilya Vin Abrenica hopes to be paired with Liza Soberano and Julia Barretto

Si Vin ang grand winner ng Artista Academy search ng TV noong 2012. Si Aljur naman ay ang Ultimate Hunk ng StarStruck Season 4 ng GMA-7 noong 2006.

Lahad ni Aljur, “Masaya ako para sa kanya dahil before pa, pinag-usapan na namin ‘yan, talagang nasa puso niya na gusto niyang lumipat talaga.

“Isa ako sa mga naging daan para sumuporta sa kanyang makalipat.”

Ngayon daw, kapag nagkikita sila, lagi daw siyang binibiro ng nakababatang kapatid kung kailan siya susunod sa kanya.

Aniya, “'Kailan ka lilipat?' ‘Yan yung lagi niyang sinasabi sa akin.

“Kapag nagkikita kami ng utol ko, wala naman kaming ibang pinag-uusapan kundi pamilya.”

Samantala, sinabi naman ni Aljur na nalungkot siya para sa kanilang bunsong si Allen Abrenica na hindi nakapasok sa top 40 ng Pinoy Boy Band Superstar ng ABS-CBN.

ON KRIS BERNAL. Nitong mga nakaraang araw lamang, ang kanya namang ex-girlfriend at StarStruck batchmate na si Kris Bernal ang napapabalitang lilipat daw sa ibang istasyon.

Read: PEP EXCLUSIVE. Kris Bernal speaks up about rumored network transfer: "I'm just considering options."

Pero ayon sa 26-year old na binata, “Hindi ko alam ‘yan.

“Hindi ko alam na gusto niyang lumipat sa ibang network.

“E, kung totoo man ‘yang mga sinabi ninyo, para naman sa akin, ang mga networks, vessels lang naman ‘yan, e.

“Ang gusto ko, e, yung makakabuti sa artista.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN