Kim Chiu and Gerald Anderson team up anew in "My Only Hope"

by Dinno Erece
Aug 31, 2008
One of the hottest love teams in the country, Gerald Anderson and Kim Chiu lead the cast of ABS-CBN's upcoming drama anthology titled My Only Hope.

Mula sa isang insider, napagalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magtatapos na ang Sunday drama anthology ng ABS-CBN na Your Song at hinahanda na ang kapalit nito, ang My Only Hope.

Nagsimula nang mag-taping ang bagong teen show ng Kapamilya Network mula sa direksiyon nina Rahyan Carlos at Jojo Saguin. Galing GMA-7 si Rayhan, ang former head ng GMA Artist Center acting workshop, at si Jojo naman ang director ng isa pang teen show noon ng ABS-CBN na Astigs.

Bida sa My Only Hope ang tatlong Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 housemates na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Niña Jose in a love triangle na mala-Tabing Ilog daw. Makakasama rin nila rito sina Regine Angeles of Be Bench, Star Magic 15 member Enchong Dee, at ang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.

Balitang last episode na ang Your Song episode na nagsimula kaninang hapon, August 31, na pinagbibidahan nina Aiko Melendez at John Prats. Pero wala pang ginagawang formal announcement ang ABS-CBN kung magtatapos na nga ito at kung papalitan ito ng My Only Hope.

Continue reading below ↓

Wala na raw ibang episode na tine-taping ang Your Song.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One of the hottest love teams in the country, Gerald Anderson and Kim Chiu lead the cast of ABS-CBN's upcoming drama anthology titled My Only Hope.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results