Does Yeng Constantino get annoyed by fellow judge Vice Ganda?

(L-R) Vice Ganda, Sandara Park, and Yeng Constantino serve as judges in the reality talent search Pinoy Boyband Superstar.



Itinanggi ng Pop Rock Superstar na si Yeng Constatino na napipikon siya sa palitan nila ng opinyon ng fellow Pinoy Boyband Superstar judge na si Vice Ganda.

May mga pagkakataon kasi na nakikitang nakasimangot si Yeng tuwing magbibigay ng unfavorable remark si Vice sa contestant na bet ni Yeng.

“Hindi naman,” mabilis na sambit ni Yeng sa presscon ng Divas Live in Manila concert kamakailan.

“Pero ako kay Vice, kami yung tipo na very casual kami. Aminin ko kasi, talagang nai-starstruck pa rin talaga ako sa kanya hanggang ngayon. Medyo nahihiya pa rin ako sa kanya.  Even halos everyday kaming magkasama sa Showtime, hindi kami yung parang chummy-chummy talaga, e.

“Ano kami, parang very casual. Tapos andun pa rin ako sa side na parang ano pa rin ako sa kanya, e. May ganoong feeling.”

Personally, dismayado ba siya sa ginagawa ni Vice sa pagsalungat sa mga opinion niya sa contestant?

“Hindi po, wala po akong ganoong feeling kay vice. Hindi kasi ako ganoong type na person.

“So, kung opinion mo yun, opinion mo yun.

“Ako may opinion naman ako na iba. Pero if I know na meron naman akong

masasagasaan yung opinion niya, I make sure na yayakapin ko siya after kasi ako po yung ganoong person.”

May tension ba sa kanila ni Vice kapag nagkakasama sila sa It’s Showtime?

“Wala naman,” malambing niyang tugon.

“Hindi lang siguro ganoon talaga.... hindi ganoon ka-close yung relationship namin ni Vice.

“Pero hindi kami nagaaway. Nandoon lang po kami and I believe that relationships are parang nade-develop through time. At hindi ‘yan pinipilit.

“Kung sakaling maging close [kami], ‘Ay, ang saya-saya ko naman.”

Naisip ba niya na gawan ng kanta si Vice katulad ng ginawa niya sa ibang artist?

“I did! Meron na po sa kanya.

“Nakaabang lang po. Na kay Kuya Jonathan [Manalo]. Sinabi ko sa kanya.

“Si Kuya Jonathan actually ang nag-compose ng song. Sabi ni Vice,  ‘Uy, pasulat naman ng song for me.’

“Pinasa ko na yung song pero sabi ni Kuya Jonathan bago ko iparanig kay Vice kailangan ko munang buuhin yung areglo.”

Ano ang title ng kanta?

“Ah, ano nga aba ‘to? Ang dami ko kasing sinusulatan na songs, e. Happy yung melody pero sad yung lyrics. Pero yung melody magaan lang. Siyempre, si Vice comedian.”

Big surprise for Yeng kung manonood si Vice sa concert nila nina Angeline Quinto, KZ Tandingan at Kyla na Divas Live in Manila sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City ngayong Friday night, November 11.

Tiniyak din ni Yeng na walang magaganap na sapawan ng exposure sa kanilang apat during the concert.

“Sa amin po kasi, yung sequence na makikita ninyo sa concert hindi po kami yung nag-demand, nag-pwesto sa sarili namin doon.

“It’s more of ano, management’s decision. So, kami obey, siyempre,” ngiti ni Yeng.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN