Victims of incest talk to "The Correspondents"

Sep 2, 2008
Bernadette Sembrano (in photo) talks with young children ages 4-14 who were abused by their own kin. Learn more about victims of incest in the September 2 episode of The Correspondents.

Tila ordinaryong bata lamang sila kung pagmamasadan, ngunit sa likod ng kanilang kamusmusan nagkukubli ang isang masaklap na sikreto na bumasag sa kanilang mga pangarap.

Samahan na si Bernadette Sembrano na kilalanin ang mga batang biktima ng incest at alamin ang kanilang nilang sinapit sa kamay ng sariling kadugo ngayong Martes (September 2) sa The Correspondents.

Edad na trese ng ginahasa ng kanyang tiyuhin si Mae at ang naging bunga nito ay dinala na lamang sa isang institusyon.

Ang magkapatid naman na si Korinne, 14, at si Angeline, 4, ay kapwa pinagsamantalahan ng nakatatandang kapatid at kapwa rin di pinaniniwalaan ng ina at ibang kapatid.

Naging masaklap din ang lahat para kay Gail na edad katorse ng simulang pagsamantalahan ng sariling ama. Sa kasalukuyan, dalawa na ang anak nila at ang kawawa niyang ina ay wala na ring nagawa kung hindi tanggapin ang sitwasyon dala ng kahirapan.

Paano nga ba naatim ng ibang tao na pagsamantalahan ang laman ng kanyang laman at dugo ng kanyang dugo?

Continue reading below ↓

Alamin na ang kasagutan ngayong Martes (September 2) sa The Correspondents, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
TV, ABS-CBN, television
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bernadette Sembrano (in photo) talks with young children ages 4-14 who were abused by their own kin. Learn more about victims of incest in the September 2 episode of The Correspondents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results