Derrick on Tsuperhero: "Kahit minsan uncomfortable yung costume, hindi ko iniisip yun."

IMAGE From Instagram account of Miggs Cuaderno

Derrick Monasterio (left) explains why he prefers to do his own stunts in his new GMA telefantasya Tsuperhero: "Kaya nga po tayo laging nagte-training, para magawa ko ang mga stunts. Kapag may stunt naman po na mukhang kaya ko naman, sasabihin ko na ako na lang gagawa." In this photo, he is seen with Miggs Cuaderno.

 



Hindi naman tinatago ng Kapuso leading man na si Derrick Monasterio na kinakabahan siya sa unang pagbida niya sa GMA-7 comedy-adventure series na Tsuperhero.

Kahit na excited siya dahil ito ang unang title role na binigay sa kanya, hindi naman daw nawawala ang malakas na kabog sa dibdib niya.

“This is a make or break thing for my career.

“I am praying na magustuhan po ito ng marami.

“Malaking bagay po ito para sa aming lahat sa buong production ng Tsuperhero.

“Gusto namin maghatid ng kakaibang saya sa Sunday entertainment nila.

“Pampamilya po itong ginawa namin and tiyak na mag-e-enjoy ang mga kids and the young at heart sa story ng Tsuperhero,” pahayag pa ni Derrick nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Tsuperhero sa GMA Network Center kamakailan.

Pinalitan ng Tsuperhero ang nagtapos na family comedy na Ismol Family na umere nang higit sa dalawang taon.

HOPING FOR LONGEVITY. Alam ni Derrick na mahirap tapatan ang dalawang taong iyon at wish niya na ang naging loyal viewers nito ay maging viewers din nila.

“Mahirap pong sabihin kung tatagal kami nang kasing tagal ng Ismol Family.

“Pero bakit naman hindi, di ba?

“Kung ma-capture po namin ang audience nila and we provide the same type of entertainment, siguro naman magtatagal din kami,” ngiti pa niya.

THANKFUL TO FANS. Nakakasiguro naman si Derrick na ang mga fans nila ni Bea Binene na DerBea ay laging nandiyan para suportahan sila.

“Alam po namin ni Bea na parating nandiyan ang DerBea.

“They’ve been with us since Vampire Ang Daddy Ko hanggang sa teleserye namin na Hanggang Makita Kang Muli.

“Tumutulong din po sila sa pag-promote ng Tsuperhero via social media.

“Kaya we’re very thankful sa suporta nila parati,” diin pa ni Derrick.

DOING HIS OWN STUNTS. Marami ngang stunts na ginagawa ang superhero character ni Derrick sa naturang comedy series. Hangga’t maaari ay ayaw ipagawa ng aktor ang kanyang mga stunts sa kanyang stunt double.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ni Derrick na siya gagawa para hindi raw lumabas na fake.

Pero pinag-iingat siya ng production dahil ayaw din nilang masaktan ito dahil may kahirapan din ang mga stunts sa show.

Sabi niya, “Kaya nga po tayo laging nagte-training, para magawa ko ang mga stunts.

“Kapag may stunt naman po na mukhang kaya ko naman, sasabihin ko na ako na lang gagawa.

“Pero kapag pakiramdam ng production na baka masaktan ako, sa stunt double na pinapagawa.

“Hanap ko kasi yung tinatawag na adrenaline rush.

“Mas magiging proud ako sa sarili ko kapag may nagawa akong stunt na mahirap.

“Pero dahil concern nila ang safety ko at baka mag-alala ang mommy ko, sa stunt double na nila ipinauubaya ang sobrang extreme na mga eksena.”

Iba rin daw ang pakiramdam ni Derrick kapag suot na niya ang costume niya bilang Tsuperhero.

Kahit na medyo masikip ang kanyang costume, mainit at nagkaroon siya ng mga paltos sa leeg, tinitiis daw niya iyon dahil ipinagkatiwala sa kanya ang role na iyon.

“No pain, no gain, di ba?

“Kahit minsan uncomfortable yung costume, hindi ko na lang iniisip yun.

“Naka-focus ako sa trabaho.

“Iniisip ko rin na custom-made sa akin yung costume. Proud ako na ginawa iyon para sa akin.

“Tsaka po pinagkatiwala sa akin ang role and I will do my best to do it, kahit na hindi kumportable ang suot ko,” pagtapos pa ni Derrick.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN